Chapter 40

1236 Words

Malungkot na umalis si James nang makapasok na si Maya sa boarding house nito. Isinuot na niya ang kanyang helmet na kulay itim at ini-start ang kanyang motorsiklo. Mula pa kaninang nasa production ay lihim na niyang tinatanaw ang dalaga. Ngunit kahit kapiranggot na sulyap ay hindi man lamang siya nito tinapunan. Nais na niyang yakapin ito at humingi ng despensa sa ginawa niya nang nakaraan ngunit nangibabaw ang hiya at kawalan niya ng pag-asa na magkakaroon pa sila ng kaunting chance ng dalaga. Hindi naman talaga niya balak na iwan ito nang hapon na iyon. Gumagawa lamang talaga sana siya ng strategy. Ngunit nagkamali siya dahil hindi umubra. Sa halip ay naging daan lamang ang ginawa upang mas lumayo ang loob sa kanya ng sinisintang dalaga. Lalo siyang nanlumo nang makita ang pagsakay nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD