Sinikap niyang hindi mapadako ang paningin niya sa station ni James. Kung ano man ang nangyari kahapon ay kailangan na niyang kalimutan. Ganoon siguro talaga. Nang mag-breaktime ay masayang nagkukwentuhan ang lahat ngunit hindi siya nakikisali. Mabuti na lamang talaga at epektibo ang dahilan na ginawa niya kay Jen at Anna. Nang nasa garden na sila ay nagpaalam siyang iidlip sa mga kasama. Antok na antok talaga siya eh. Ang mga ito na ang nagsabi sa mga kasama kung bakit hindi siya nakatulog kagabi. Kaya naman wala ng nangulit pa sa kanya. Kahit paano ay nakatulog naman siya nang kaunti. Ginising na lamang siya nila Ate Donna nang malapit ng matapos ang oras ng breaktime. Nang mag-uwian ay nagpila na siya sa sakayan ng shuttle bus kasama sina Jen, Anna at Ate Donna nang may kotseng tumapat

