"Maya, ayos na ito oh," wika sa kanya ni Joanna. Naayos na nito at naisabit na ang mga kurtina na binili niya. "Sige. Salamat." Tiningnan niya ang pagkakaayos niyon at maganda naman ang kinalabasan. "Napakaganda nitong nabili mong bahay, Maya. Mukhang bagong gawa lang siya," pagkuwan ay wika nito sa kanya. "Oo, actually bagong gawa lamang daw ito, Jo. Kaso nga ay na-petition na rin pala sa America ang titira sana. Nagbago ng isip. Kaysa raw walang nakatira ay mas okay na raw na ibenta na. Para na rin daw hindi mapabayaan." "Ibinigay talaga ito para sa'yo, Maya. Deserve mo ito. Mabuti kasi ang puso mo." "Hindi naman sa ganoon, Jo." "Tanong ko lang, Maya. Wala na ba kayong balak na bumalik sa Japan?" "Hindi ko pa masabi sa ngayon, Jo. Sariwa pa kasi ang sakit na dulot ng pagkawala ni

