"Matapos ang isang oras ng lesson nila ay nag-declaire na ng recess si Teacher Jazz. Kaya naman pinapasok na sa loob ang mga may Yaya. Kabilang si Joanna sa pumasok habang bitbit ang dala nitong baon para kay Sky. "Tita Joanna," wika ni Sky. Sinalubong siya nito sa labas. "Mukhang gutom ka na talaga. Hindi mo na ako nahintay. Halika na." Hinawakan na nito si Sky sa kamay at lumabas na sila para magtungo sa snack place. "Saan mo gustong maupo tayo? Doon ba o rito na lang?" tanong ni Joanna. "Here na lang, Tita," sagot naman ni Sky. Naupo na sila at inilabas na niya ang baon nito. Chicken sandwich at orange na naka-slice na ang ipinabaon sa kanya ni Maya. Isang bottled mineral water lamang ang inumin niya. Maingat kasi si Maya sa ipinakakain kay Sky. Ayaw niya itong masasanay sa mga

