Hindi lubusang mapaniwalaan ni Ysay ang pambihirang pagkakataon na nangyayari ngayon. "Ano ba, Ysay! Para kang nakakita ng multo riyan ha!" sita ni Maya sa kapatid. Kitang-kita niya ang reaksyon nito nang lapitan ng gwapong lalaki ang batang si Sam. "Ano ba iyan ha?! Huwag mong sabihin na interesado ka sa daddy niyang si Sam. Itigil mo iyan!" mahinang babala pa niya sa kapatid. "Ate, hindi ka maniniwala sa sasabihin kong kilala ko iyang daddy ni Sam," mahinang sabi ni Ysay. "Ah, talaga?" "Hindi ako nagbibiro, Ate. Kilala ko siya." "Daddy, meet my new found friends. Tita Ysay and Tita Maya, Sky's Mom." Awtomatikong nabaling ang paningin ni Vladimir sa ina ni Sky. Gusto na niyang makilala talaga ito upang alamin ang tungkol sa pagkatao ni Sky. Hindi nga lamang niya inaasahan na heto na

