Dumating na nga ang most awaited gathering nila sa school. Umuwi muna ng Tarlac. "Baby, why you're still sad ba?" tanong ni Maya sa kanyang anak na kasalukuyan pa niyang binibihisan. Nakaluhod siya rito. "Look at you, Tita Ysay and me, magkakapareho tayo ng suot. Amazing `di ba?" wika pa ni Maya rito habang nakangiti. May sumpong na naman ang anak niya. Nagre-request ito ng tatayong daddy nito ngayong araw pero hindi niya binigay. Wala naman kasi siyang balak na humanap ng lalaki. Ano ba iyan! Kulang na lang ay itulak siya ng anak na mag-asawa para lang magkaroon ito ng tinatawag na pamilya. "Please, Baby, don't be sad na… Gusto mo ba matalo tayo sa games mamaya? Sayang naman ang prize." "Ayaw. Kaya lang kulang ang family ko. Walang daddy. Baka mamaya niyan tayo lang ang naiiba roon.

