Nailing na lamang si Daniel sa pagkamasungit ng magandang babae na iyon. Siguro nga ay dapat na niyang tanggapin na hindi magkakaroon ng koneksyon sa kanilang dalawa. Kung bakit naman kasi nilapitan pa talaga niya ito. Kaya naman nang makita niya ang paglabas ni Sam ay agad na silang sumakay sa kanyang kotse. Hindi na niya pinagkaabalahan na tingnan muli ang magandang babae. Panahon na para tuluyan na niya itong burahin sa kanyang isipan. Inirapan lamang ni Mariah ang kamukha ni Daniel nang makita niya kung gaano ka-sweet ito sa anak na sinundo. Ang kapal ng mukha. Feeling ulirang ama. Sweet sa anak pero ang totoo ay wala naman talaga itong kwenta. Kung pwede nga lang niya itong ibelat dahil sa inis niya. Kung wala lang sanang ibang tao sa paligid nila ay talagang ginawa na niya iyon sa s

