Hindi nga nagtagal at nakalipad na rin siya ng Japan. Hindi naman pala totoo ang tsismis na kapag nasa Japan ka ay prostitute ka na. Nag-e-entertain lang naman pala ang trabaho roon. Pwera na lamang talaga kung kagustuhan mo na lang na makipag-flirt sa nakaka-table mong kostumer. Nanatiling trabaho lamang ang ginawa niya roon. At sa kabutihang palad nga ay hindi niya akalain na darating sa kanya ang napakalaking swerte sa buhay niya. Ang pagdating ni Rako. Present Kasalukuyan na nga niyang pinag-aaralan ang inventory report sa kanyang office. Naisipan niyang magtungo sa kusina ng kanyang restaurant upang tingnan ang mga trabahador. Parang nais rin kasi niyang uminom ng kape. Siya ang personal na gumagawa ng kape niya. Iyong timpla noong kabataan pa rin niya ang nais niya kahit na maram

