"Salamat po sa papuri." "Siyangapala ako si Melinda Gomez. Mas gusto ko na tinatawag na Mommy Miles para sosyal." Nakangiting inabot nito ang palad sa kanya. Alanganin niyang tanggapin ang makinis nitong palad dahil alam niyang marungis ang sa kanya. "Marumi po ang palad ko eh. Pwede po bang sabihin ko na lamang ang pangalan ko?" "Okay lang iyan ano ka ba! Akin na nga ang palad mo! Ano na nga ang pangalan mo?" "Mariah po ang pangalan ko." "Alam mo, alagaan mo ang sarili mo, Iha. Maganda ka pa naman. Masarap itong puto mo pero may mas maganda pang oportunidad na alam kong naghihintay para sa iyo. Sumubok ka pa ng ibang bagay maliban sa pagtitinda mo." "Ano pong ibig niyong sabihin?" "May anak ka na, sabi mo. Hindi sa minamaliit ko ang pagtitinda mo. Pero may mas mataas ka pang maa

