“Good morning.”
Halos mangatal ang tuhod ni Adeline nang madatnan sa kusina si Henry na nagluluto ng umagahan habang nagkakape.
Buong akala niya ay isang magandang bangungot lamang ang lahat ng mga nangyari noong gabi pero hindi.
Ang makitang nakatopless at naka sweatpants lang si Henry sa kaniyang harapan ay isang patunay lamang na totoong-totoo ang lahat ng mga iyon.
“Saan mo nakuha ang mga niluto mo?” tanong na lamang ni Adeline para ibaling ang pansin at umupo sa island bar.
“Kumuha ako sa wallet mo ng dalawang libo at namalengke pagtapos na mag-jogging,”
Napanganga si Adeline, “Ano? Kumuha ka na lang ng walang paalam?”
Pero sa loob-loob ni Adeline ay ganon na lamang ang kinalikot ng sikmura niya sa isiping namalengke ito. Pinamalengke siya nito at ipinagluto pa. May lalaking sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinamalengke siya, isang bagay na ni minsan ay di pa niya nagawa maski ang makakain ng matino maliban sa convenience store foods.
“Kailangan pa ba magpaalam?” tanong nito saka inilagay sa mesa ang plato ng mga ulam. “May pera na rin naman ako don diba? Nakarami tayo kagabi.”
Pumangalumbaba ito sa harap niya at di niya mapigilang mapatingin sa biceps nitong napakanda. Samantalang si Henry, nakatitig rin lang kay Adeline, mula sa mga mata tapos bababa sa mga labi.
Nakaramdam na naman ng mainit na pakiramdam si Adeline. Pati ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita ay pumipintig habang naalala ang mga ginawa ni Henry kagabi.
Huminga ng malalim si Adeline, umiling pa. Ayaw na niya maging mahina, maging marupok pa, o maniwala. Dahil malinaw naman na sinabi ni Henry na gagamitin lang nila ang isa’t-isa.
“Alam kong hindi mo papakinggan ang mga sasabihin ko pero...kung maaari sana, ay maaga kang pumasok sa school dahil baka maabutan ka ng Ate ko rito.”
Lumagok ng kape si Henry at kumuha ng isang pandesal saka hinati sabay sinawsaw sa kape. Ngumisi ito bago sumubo ng pandesal, “Anong problema don?”
Parang sasabog ang eardrums ni Adeline sa sinabing ito ni Henry. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o maiinis.
“May problema don. Anong sasabihin ko kay Ate kung bakit may kasama akong lalaki rito? Iisipin non na boyfriend kita. Mamamatay yon pag nalaman na—”
Natigilan sa pagsasalita si Adeline nang bigla siyang halikan ni Henry ng walang pasabi. Nanlaki pa ang mga mata ni Adeline nang pumasok agad sa bibig niya ang dila nito na may laman pang pandesal na sinawsaw sa kape.
Mabilis lang ang halik, pagtapos na pagtapos ay agad humiwalay si Henry at pinahid ang labi niya.
“Bakit mo ginawa yon? HA!” naguguluhang tanong ni Adeline, nilulunok pa ng maayos ang pandesal.
“Ang alin? Kung bakit pinakain kita ng pandesal? Simple, para manahimik ka. Ang ingay mo.”
“Ah wow.”
“Pero kung bakit kita hinalikan? I can’t get enough of your lips. Sinabay ko na lang yong pandesal, pagod kasi ang kamay ko kagabi. Sige na, kumain ka na.”
Nanlaki ang mga mata ni Adeline at namula ang mga tenga sa tindi ng hiya dahil sa sinabi nito. Ngumisi naman si Henry saka tumalikod at inubos ang kape bago inilagay sa lababo ang tasa.
“Papaalala ko pa ba?” hirit nito.
“HENRY! Magtigil ka! Hindi yan ang pinag-uusapan natin.”
“Adeline, wag mong problemahin ang mga hindi naman dapat problemahin. Nauunawaan mo ba? Eh ano kung magkasama tayo sa bahay, malinaw naman ang pakay natin di ba? Saka hindi naman porket magkasama, boyfriend na agad. Minsan, mas maigi pa yong walang meron para walang mawala. Mas maigi pang walang masimulan para walang natatapos. Sabihin mo na for business purposes. Tapos. Sige na, maliligo na ako, baka gusto mong sumabay para makatipid sa tubig at sabon?”
“Tahimik!”
“Sunod ka na lang kung magbago ang isip mo.”
Naglakad na ito palayo at tanaw niya ang paghubad nito ng damit.
“AHHH! Bakit ganito ang mga nangyayari? Tumulong lang naman ako,” sabunot ni Adeline sa sarili pero agad na natigilan nang mapansin na paborito niyang pagkain ang nakahain.
Noodles pero healthy style.
“Hand-made ba ang noodles na ito? Saka as in, fresh ingredients?” bulong ni Adeline sa sarili.
Humigop siya ng sabaw at tinikman ang noodles. Nailapag niya ang kutsara at tinidor sa gulat. “Ang sarap. Ang sarap...Sheet ang sarap... Ahhh!”
Tumikim siya ulit sa pagdududa na baka namali lang siya ng lasa. “SHt! Masarap talaga. Kainis. Sige na...bukod sa sekreto ko, para sa pagkain na masarap. At hinugasan na rin niya ang mga kalat ko. At ang linis na ng bahay. Kung tutuusin, ang daming pakinabang.”
Madali niyang inubos ang noodles at nang matapos ang pagkain, akma siyang tatayo nang magring ang doorbell.
“ADII!!!”
Sa sobrang taranta ay nabitawan niya ang tasa at nabasag. “Shiiit!!! Wait Ate!”
Dali-dali niyang sinipa ang mga bubog para itago sa ilalim ng cabinet ng island bar at tumakbo sa pinto para pagbuksan ang Ate Rasha niya.
“Ate,” salubong niya rito, damang-dama ang tensiyon sa kaniyang boses.
“Bakit di ka pa bihis? Eh six-thirty na. Malilate tayo niyan,” singhal nito sa kaniya pagpasok na pagpasok.
“Ah...nalate lang ako ng gising, dami nainom natin eh,”
Bumuntong-hininga si Rasha at naupo sa sofa sa sala, “Alam mo, wala akong ganang pumasok ngayon,”
“Ha? Eh di ba dapat...excited ka? Happy ka?” kunwari ay interesado niyang tanong saka isinara na ang pinto.
“Hindi ko nga alam kung bakit ganon?”
Naupo siya sa tabi nito na panay ang lingon sa kwarto sa takot na baka mamaya ay lumabas si Henry.
“Ano bang meron sa kwarto mo at panay ang tingin mo?” usisa ni Rasha bigla.
“Ha? Ah wala. Tinitingnan ko lang yong orasan at baka mamaya malate na ako sa school,” palusot ni Adeline.
“Ay oo nga pala. Sige na maligo ka na at magbihis. Dadaan pa tayo sa convenience store para mag-umagahan. Tinatamad na ako magluto,”
“Sige sige Ate. Wait lang.”
Dali-daling tumayo si Adeline at hihingkod-hingkod na na naglakad papunta sa kaniyang kwarto pero dahil saksakan ng wrong timing o sadyang mapanadya si Henry, ay saktong lumabas ito at ngumiti pa talaga sa kaniya. Wala itong kahit anong saplot, towel lamang na nakatapis hanggang sa baywang.
Marahang humarap si Adeline sa kapatid at agad na nagsalita nang makita itong sumama na ang mukha at bubuka na ang bibig.
“Ate...upo, hinga, kumalma ka muna,” sabi ni Adeline.
Huminga naman ng malalim si Rasha at pilit na nagsalita ng kalmado, “Sino siya, Adeline?” mababa pero mariin ang boses nito.
Hihingkod-hingkod na naglakad pabalik si Adeline at sinubukang hawakan ang kamay ni Rasha pero tumanggi ito.
“Ate...”
“Sumunod ka sakin, usapang pamilya,” mariin nitong utos kay Adeline, dahilan para maputol ang sasabihin.
Nagpaumunang naglakad si Rasha palabas at iika-ikang sumunod si Adeline.
“Ate...”
“Isara mo ang pinto,”
Isinara ni Adeline ang pinto.
Mula sa kinatatayuan, di mapigil ni Henry na pansinin ang takot sa mukha ni Adeline. Pati na ang pagtungo ni Adeline habang sinasara ang pinto.
“Ano yon, Adeline? Ha!” tanong agad ni Rasha pagkasara na pagkasara ng pinto saka nag cross-arms.
“Ate kung ano mang iniisip mo, hindi ko boyfriend yon,”
“Malamang. Alam ko. Hagya ka na nga maliwagan ng tama, magkaboyfriend pa? Ang akin, hindi mo kailangan na bumayad ng lalaki para lang pagtakpan ang sakit ng panloloko ni Raymond. Mamaya gamitin pa sayo ang kahinaan mo at pagkakwartahan ka lang, tatanga-tanga ka pa naman minsan, tsk!”
Napangiti ng pilit si Adeline at nagpaka yuko-yuko na sa sinabi ng kapatid. Sanay naman na siya pero kumikirot pa rin talaga.
“K—kaya nga Ate...alam ko naman. Haha, sino naman ang papatol sakin. Pero hindi ko naman binayaran si Henry...kasamahan ko siya sa trabaho.”
Nanakit ang lalamunan ni Adeline dahil sa pagpigil ng iyakin.
“Ano?”
“Katrabaho ko si Henry. Doon sa online na trabahong ginagawa ko. Gusto niya nang makaipon kaya napagkasunduan namin na maghati na lang sa bahay. Malaking tulong na yon sakin, bukod don, magkasama pa kami sa school Ate.”
“Siguraduhin mo lang Adeline,”
“Ate...hindi naman ako desparada sa buhay. Masaya na ako na nakakaipon at nakakatulong kina Mama,”
Saglit na nanahimik si Rasha bago nagsalita, inalis na rin nito ang mga braso sa dibdib, “Sige na...maghanda ka na.”
“Salamat Ate.”
Pumasok pabalik si Adeline ng kaniyang apartment at saktong naabutan si Henry na naka sando habang nakasabit sa balikat ang uniform habang nag-liligpit sa kusina.
“Masarap ba yong luto ko?” tanong ni Henry.
“Ah oo. Oo. Ano, kumain ka na muna riyan, maliligo lamang ako,” pilit ang ngiti na sabi ni Adeline saka madaling tumakbo sa kwarto.
Nakasunod ang tingin ni Henry kay Adeline papasok ng kwarto. Pagkasara ng pinto ay ibinaling naman niya ang tingin sa kapatid nito na si Rasha.
Sinipat ng maigi ni Henry si Rasha.
“Anong tinitingin-tingin mo?” tanong ni Rasha saka naupo sa sofa at dumekwatro. “Iniisip mo ba na pinagalitan ko ang kapatid ko? Mali ka ron. Sobrang bait na tao ni Adeline. Kaso sa sobrang bait, mabilis siyang maloko. Pinapaalalahan ko lang siya na mag-ingat sa mga oportunista. Lalo at ganon ang itsura niya, sabik siya makaramdam ng pagmamahal.”
Ngumisi si Henry at itinaas ang laylayan ng sando para punasan ang pawis bago nagsalita, “Anong problema sa itsura ni Adeline?”
Kita ni Henry ang paglagkit ng tingin ni Rasha sa kaniyang katawan. “A-Ano?” uutal-utal nitong tanong.
“Kako, anong problema sa itsura ni Adeline? At anong kaugnayan ng itsura niya sa pagnanais na makaramdam ng pagmamahal? Lahat naman ay may karapatang mahalin at magmahal,”
Nangunot ang noo ni Rasha at pilit na binaling ang tingin palayo sa kaniya nang ibaba na ang sando, “Nagpapatawa ka ba?” sabi nito.
Di mapigilang mapangisi ni Henry sa reaksiyon ng mukha nitong kapatid ni Adeline.
“Bakit? Joke ba ang sinabi ko? Sa tingin ko naman ay hindi,”
“Tumigil ka na. Ilang beses ko nang nakitang nasaktan si Adeline gagawin ko ang lahat para hindi na ulit siya masaktan,”
“Ako rin naman, gagawin ko ang lahat para wala nang makapanakit sa kaniya,” sabi ni Henry at naglakad palapit rito bago inilahad ang kamay. “Ako nga pala si Henry. Katrabaho ni Adeline at sa loob ng limang taon na kasama siya trabaho at pag-aaral, hindi mahirap mahalin si Adeline.”
Hindi tinanggap ni Rasha ang kaniyang kamay at umirap lamang.
Nagkibit-balikat si Henry at binawi na ang kamay, “May niluto akong jjamppong noodles, paborito ni Adi, gusto mo ba?”
“Hindi na, sa opisina na ako kakain,”
“Ok sige. Pasensiya na, wala na kasing oras na makapagluto ng iba. Tanghali na ako nakabalik pagkagaling sa pamamalengke para maipagluto ng pang-alis hang-over si Adi,” wika ni Henry saka hinipid ng punas ang island bar ng kusina.
Gulat ang mga mata ni Rasha, maaaring di inaasahan ang mga sinabi niya.
Sakto namang lumabas si Adeline na dali-dali na at kita ni Henry agad ang mugto nitong mga mata.
“Saglit, sapatos na lang,” sabi ni Adeline.
Itinabi ni Henry ang basahan saka madaling pumasok sa kabilang kwarto at lumabas na may bitbit na towel.
“Saglit, yong likod mo mababasa,” sabi ni Henry at sinapinan ang basang buhok ni Adeline.
“Ay nako, abala pa sa oras,” sabi ni Adeline na tumanggi at naupo na para magsapatos.
“O tapos, magkakasakit ka? Sayang sa pera,” sabi ni Henry nang kapitan ang magkabilang braso ni Adeline para tumigil.
Nagkatitigan sila saglit at nangiti na si Henry dahil sa nang-aakit na namang mga labi nito.
Madali niyang sinapinan ito sa likod at kinuha ang sapatos para tulungan sa pagsasapatos.
“Henry,”
“May sugat ka sa paa, gagamutin ko lang. Saka, ako na ang magsusuot ng sapatos mo para mas mabilis,”
Pagtapos na gamutin at sapatusan si Adeline ay tumayo si Henry at kinuha sa microwave ang dalawang baunan.
“Ano yan?” tanong ni Adeline.
“Baon mo,”
“HA?”
Gulong-gulo si Adeline habang sinasakbit ang bag. Mula sa likuran ay binuksan ni Henry ang maliit na bulsa ng backpack at nilagay ang baon.
“Ok na. Mas tipid kung magbabaon tayo. Sige na, pasok na tayo. Ako na magdadala ng bag mo,”
Nagpaumunang maglakad si Henry na saglit pang tumingin kay Rasha bago ngumiti.