“Bye Ate,” sabi ni Adeline pagbaba ng kotse.
Di naman sumagot ang kapatid niya at nagmaneho na agad palayo kaya binaling ni Adeline ang tingin kay Henry.
“Ano yon? Ano tong mga ginagawa mo at pinapakita kay Ate?” singhal niya rito nang makalayo ang kotse.
Nawala ang ngiti ni Henry sabay tumingin sa kaniya ng matiim. Sa tangkad ni Henry ay hirap tingalain ni Adeline ito, maiksi lang kasi ang kaniyang leeg.
Namulsa si Henry at bahagyang yumuko para magtapat ang kanilang mga mukha. Sa sobrang lapit ay halos mabulunan na agad si Adeline.
Ngumiti pa ng kaunti bago nagsalita si Henry, “Anong ginagawa ko? Sinisigurado ko lang na ako lang ang mananakit sayo dahil sakin ka lang naman may atraso. Gusto ko sakin ka lang aaray, Adeline.”
Nanlaki ang mga mata ni Adeline at agad na nag-init ang parehas na tenga. “Henry! Bunganga mo!”
Ngumiti si Henry at kumagat-labi sabay hinawakan ang kaniyang kamay. “Tara na at late na tayo.”
Hinigit siya nito at halos manakbo na pero walang pakialam si Adeline sa pagod na nararamdaman.
Wala na rin siyang pakialam sa mga nagtitinginan, ang mga mata niya ay nakatuon lamang kay Henry na napakaganda ng ngiti.
“Abot!” Humahangos na sabi ni Henry pagpasok ng classroom at ibinaba ang kanilang mga bag sa tiles saka naupo sa tabi nang natutulog na si Alice. “Dito ka.”
Naupo naman si Adeline sa tabi ni Henry, humahangos rin.
“Congrats, ang aga niyo sa second subject,” bubulong-bulong na sabi ni Alice habang pinupunas ang mga laway na tumulo.
“Congrats, nagising ka pa,” sabi ni Henry rito.
Tuluyang nagmulat si Alice at namimikit ang mga mata na pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at kay Henry, “May naamoy ako.”
“Laway mo,” basag ni Henry.
“Ah..haha oo nga no. Pero maliban don, may nagbago sa inyo, nag-ano na agad kayo?”
“Alice!” dali-daling tinakpan ni Adeline ang bibig nito.
“Ah nag-ano na kayo!”
“Hindi...hindi pa,” preskong sagot ni Henry.
“Gago, malabo yon Alice,” sabi ni Adeline. “Hindi niya kayang gawin yon. Mamamatay yan bago pa mangyari yon.”
“Pano kung kaya ko?” biglang seryoso ang tono na sabi ni Henry sabay titig kay Adeline.
“Tss! Kaya mo akong mahalin?” sabi ni Adeline at tumitig pabalik.
“S*x doesn’t require love, Adeline,” bulong ni Henry sa pinakamababa nitong boses na parang nakakakiliti sa tenga.
“Well, I do,”
Hindi nakasagot si Henry. Binawi nito ang tingin at nagkuyakoy na lamang.
Humagakgak si Alice, “Tang*na. Libre ko ang lunch natin ngayon.”
Napakamot na lang sa ulo si Adeline. “Teka, kaklase ka pala namin?” tanong niya kay Henry.
“Oo. Tayong tatlo lang lagi rito sa likod pero ni minsan sa loob ng limang taon ay di mo manlang kami nilingon.”
Nakaramdam ng matinding hiya si Adeline, pero agad na natigilan nang makitang pumasok sa room nila si Raymond, kasama ang babae nito. Yumuko si Adeline at bumulong, “Sorry, busy eh.” Maiksi niyang sagot kay Henry.
“Wag nang mag sorry, wala naman nang mababago. Sige na, andiyan na si Sir. Bumawi ka nalang,” sabi ni Henry at inilabas na ang gamit nang pumasok ang kanilang sunod na professor.
Tumango lang si Adeline bilang tugon.
Lumipas ang mga oras at di napigilan ni Adeline na panooran lamang si Henry habang nag-aaral. Halos nawala na talaga sa isip niya si Raymond.
Sobrang seryoso ni Henry sa pag-aaral kaya parang kung ano meron sa tiyan niya ang di mapalagay dahil sa gwapo na nga ito ay maayos pa mag-aral. Bukod pa doon ay ang maayos na pakitungo nito simula umaga sa kabila ng gulo nila noong gabi.
Nagdikit ang kaniyang mga hita nang makaramdam ng biglang ihiin gayong di naman siya basta naiihi nang maalala ang mga nangyari pagtapos ng away nila.
“Adi!” bulong niya sa sarili at pinilit nang bawiin ang tingin paalis kay Henry.
Mahigit dalawang oras rin ang lumipas hanggang sa magpaalam ang professor nila sa huling subject sa umaga.
Nag-inat-inat pa pagkatapos ay tiniklop ni Henry ang notebook nito at walang ano-anong sumandal sa kaliwang balikat ni Adeline saka bumulong, “Ano sa c.r. na tayo?”
Gulat na gulat si Adeline. “Gago.”
“Ayaw mo talaga? Sa tagal mong nakatulala sakin, wala kang iniisip?”
“May iniisip pero hindi ikaw.”
“At sino naman?”
Nangunot ang noo ni Adeline habang mabilis na nilalagay ang mga gamit sa bag, “Wala ka na don.”
“Okay lang naman eh, ilang oras na lang at magtatrabaho na ulit tayo. Di kita masisisi kung asamin mo na agad ang mga kamay ko,”
“Ang kapal,” singhal ni Adeline. Sa tindi ng inis at ayaw mapahiya, sumagot siya ng pabalang rito, “Hindi ikaw ang iniisip ko kundi yong ibabayad ng Papa mo. Tsk!”
Hindi na siya nakapag-isip. Naghahalo-halo na ang kaniyang emosyon. Mabilis niyang sinakbit ang kaniyang bag at tumayo saka tumakbo papunta sa c.r. dahil mas tumindi lang ang ihiin.
Halos banggain na ni Adeline ang mga nadaraanan niya. “Tabi, tabi!”
“Hoy saan ang punta mo?” habol ni Henry.
“Sa c.r.?” iwas niya rito.
“Bakit?”
“Anong bakit? Malamang, naiihi?”
Saglit na lumingon si Adeline at kita niya ang matalim na tingin nito kagayang-kagaya ng tingin nito kagabi. “Intayin mo na lang ako sa canteen.”
Imbes naman makinig ay binilisan nito ang pagtakbo at nang maabot siya ay hinigit siya nito paakyat ng fifth floor.
“Hoy, ihing-ihi na talaga ako,” hangos ni Adeline habang tumatakbo sila paakyat ng hagdan.
Hindi naman ito sumagot bagkus ay diretso lamang ito sa paghila sa kaniya.
“Nako, Henry ha! Pag ako naka-ihi talaga sinasabi ko sayo.”
Dalawang palapag lamang ang inakyat nila mula sa third floor na kanilang pinagklasehan.
Nang makarating sa ikalimang palapag kung saan hindi pa ganon katapos ang paggawa, pumasok sila dali-dali sa banyo na di pa nalaglagyan ng tiles pero may mga inidoro na. Di pa rin binibitawan ni Henry ang kaniyang kamay.
Pagpasok na pagpasok ay agad na tinapon ni Henry ang bag nito sa sementadong sahig, nilock ang pinto, at mabilis siyang isinandal sa pader.
Isa-isa nitong inalis sa pagkakabutones mula sa baba ang kaniyang uniform habang humuhangos ng malala.
“Hoy—a...anong ginagawa mo?” humahangos rin at kabado malala na tanong ni Adeline, tumutulo na ang pawis sa kaniyang noo habang pinipigil ang mga kamay ni Henry.
Hindi ito sumagot imbes ay hinablot ni Henry ang kaniyang backpack at tinapon sa tabi ng bag nito saka hinalikan siya.
Gulat na gulat si Adeline pero mas kinagulat niya nang tumigil ang kamay nito sa pag-aalis ng butones at mabilis na pinasok sa loob ng kaniyang palda.
Masikip ang palda niya kaya naman hirap na hirap si Henry pero dikit na dikit ang kamay nito sa kaniyang nanginginig na pagkababa*. Mabilis nitong niragasa ang sensitibo niyang spot kaya agad siyang nanghina.
Agad siyang napabitaw sa halik at napayakap ng mahigpit rito. “Ha! Mmmm!” pigil ang hinaing niya. “Henry...iti---gil mo, ah....”
“Parusa mo to,” magaspang ang boses at puno ng galit na sabi ni Henry habang nakasuksok rin ang mukha sa kaniyang leeg.
“Bak..it? An—ong ginawa ko?”
Hindi sumagot si Henry. Idiniin nito ang pagkakasandal niya sa pader at binilisan ang ginagawa ng kamay sa pagitan ng kaniyang mga hita.
Parang nauubos ang hininga ni Adeline kapag bumabagal tapos bibilis ang kamay nito. May sandali pang titigil ito at ibabaon lamang ang gitnang daliri para salatin ang kabasaan niya.
Sa ganitong ginagawa ni Henry ay kahit anong gawin niyang tanggi, nasasarapan siya. Gusto niya ang pakiramdam nang mga hawak ni Henry. Gustong-gusto niya ang panginginig ng katawan niya sa sensasyon ng magaspang at malaking kamay ni Henry sa kaniyang pagkababa*.
Para bang sa mga sandaling iyon ay gusto niyang paniwalaan na kagusto-gusto rin siya.
Napasabunot ang kaniyang isang kamay sa polo nito at ang isa naman ay nakahawak sa braso nitong gigil na gigil sa pagragasa ng kaniyang spot. Pilit siyang sumubsob sa dibdib ni Henry at inipit ang mga ungol na gusto niyang isigaw.
Nagpalitan na silang dalawa ng mahihina pero mabibigat na hangos habang pabilis ng pabilis ang kamay ni Henry sa paglipas ng mga segundo.
Hanggang sa mapasinghap si Adeline nang isang mahaba at malalim na hininga.
“Hen...ry, h...hindi na k...kaya...” pigil ang mga salita ni Adeline sa dibdib nito, mas humigpit na rin ang pagkakahawak niya sa polo nito, halos mapunit na.
Pero di talaga ito paawat. Ramdam ni Adeline ang pagbilis at pag-init ng hininga nito sa kaniyang leeg kaya
“HENRY! Please! Ah!”
Napayuko na si Adeline sa pag-ipit ng puson na naninigas na talaga sa sakit at pinagdikit na ang mga hita para ipitin ang kamay nito.
“Tama na! AH! Tama na...” pilit nang hinihigit ni Adeline ang kamay nito palabas ng kaniyang palda pero bigo siya. Kahit ba mataba ay walang panama ang laki niya sa lakas ni Henry. Kita niya ang paglabas ng mga ugat nito sa braso habang nanlalaban sa kaniyang panghihigit.
Hanggang sa manlaki na ang mga mata ni Adeline nang maramdaman na bibigay na ang kaniyang ihiin. “Lalabas na...Henry...lalabas na!!!!”
Nagsusumamo na si Adeline na diretso na ang pagluha habang nakatingin sa mga madidilim na mga mata ni Henry pero nakatitig lamang ito sa kaniya pabalik at parang nagumon na ng matinding galit.
At imbis na tumigil ay lalo lang tinodo nito kaya’t napaiyak na si Adeline nang maramdaman ang pagtulo ng kaunting ihi sa kaniyang binti.
“Ahh...ang sama mo! Ang sama mo...” daing ni Adeline, di man makasigaw ay diretso ang pagsuntok niya sa balikat ni Henry.
Nakaramdam nang pagkakonsensiya si Henry at mabilis na inalis ang kamay sa palda ni Adeline.
Humahangos itong napasabunot sa ulo at naghugas ng kamay.
“Wag na wag mo nang mababanggit ang wala kong kwentang ama.” Singhal ni Henry at galit na dinampot ang bag saka nagmamartsang umalis.
Naiwan si Adeline na basang-basa ng pawis at hinang-hina habang nanginginig na binobotones ang uniform.
Hagya na siyang makahakbang palapit sa inidoro. Nanunuyot ang kaniyang mga labi nang itinaas niya ang palda at naupo, halos maningkayad pa ang mga paa niya sa hirap umihi dahil sa ginawa ni Henry.
Napatungo si Adeline at nagpakaiyak-iyak na.
Nang matapos ay sinikap niyang ayusin ang sarili habang nakatingin sa malabong salamin sa banyo.
“Lilipas din Adeline. Lilipas rin. Magiging maayos rin ang lahat. Magiging ayos rin ang lahat,” bulong niya sa sarili.
Dinampot na niya ang kaniyang bag at pilit na naglakad palabas ng banyo kahit ba nanginnginig pa ang mga binti, mahapdi rin ang pagitan ng mga ito.
Pagdating sa labas ay laking gulat ni Adeline nang biglang may lumapit sa kaniya at inabutan siya ng panyo at ng kaniyang paborito, “Ice cream?” sabi nitong lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Adeline dahil namumukhaan niya ang lalaking nakatayo sa harapan niya.
“Teka, ikaw yong nasa convenience store?”
Ngumisi ito, “Hello Mam. Paul nga pala. Ice cream po oh.”
Parang mahihimatay si Adeline sa isipin na narinig nito ang ginawa nila ni Henry. “Ka—kanina ka pa rito?”
“Ah hindi po. Wala pang two minutes. Paakyat po ako nang marinig kong may umiiyak. Sinilip ko po at nakita kita na nasa harapang ng salamin, kaya bumalik ako sa baba para bumili ng ice cream stick. Pampaalis lungkot niyo yan diba?”
“Tumakbo ka?”
“Opo. Baka mamaya ay di po kita maabutan, ngayon lang po kita nakita na hindi sa convenience store,”
“Ang bait mo naman. Hindi mo naman ako kakilala,”
Tumitig si Adeline rito at pilit na sinipat ang mga mata nito kung nagsisinungaling pero mukha naman itong nagsasabi ng totoo.
“Ayaw niyo po ba yang flavor na yan?” tanong ni Paul na kita ni Adeline ang paglungkot ng mga mata nang hindi pa rin niya tinatanggap ang inaabot na ice cream.
“Ah, ok lang. Sa-salamat.”
Tinanggap na ni Adeline ang ice cream na binibigay nito at doon pa lang napansin na nakauniform ito.
“Nag-aaral ka dito?”
“Opo.”
“Sa engineering department?”
“Ah hindi po. Sa Business Ad po ako,”
“Anong ginagawa mo rito?”
Ngumisi ito, “Maglalunch po.”
“HA?!”
“Ah, kakain po ng pananghalian?”
“Alam ko, tinagalog pa. Teka, wag ka na mag-po, wala naman tayo sa convenience store, ang akin eh, kumakain ka dito, mag-isa?”
“Op---oo,”
“Bakit?”
“Hindi ako kumportable na may ibang tao, bukod don ay mas gusto ko po talaga mag-isa, sayang pa kung bibili sa canteen, may baon naman ako,”
Bumuntong-hininga si Adeline, “Gusto mong sumama sakin?”
“Saan p...saan?”
“Sa canteen,”
“Ah hindi na, ok na ako dito,”
“Tara na. Malulungkot lang ako kung iiwan kita mag-isa. Ako lang naman pati,”
“Sigurado ka ba?”
“Tara na. Gutom na gutom na ako.”
Tumalikod si Adeline at nagpaumunang maglakad nang magsalita ulit itong si Paul. “P—pwede bang manligaw, Mam?”