Tulala si Adeline na naglakad papuntang canteen habang naglalakad katabi nitong si Paul. Iyong Paul rin ay napakatahimik rin kaya ramdam na ramdam ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa.
“Sa-saan tayo?” asiwang tanong ni Paul na halatang hindi talaga kumportable sa maraming tao.
Doon pa lamang humupa ang pagkailang ni Adeline nang makita si Paul na pawisan at parang ano mang oras ay tatakbo na palayo.
“Binubully ka rin ba?” sinserong tanong ni Adeline dito.
Tumingin ito sa kaniya at kita ni Adeline kung gaano kapuno ng takot ang mga mata nito.
Pero laking gulat na lang niya nang bigla itong yumuko dahil sa mas matangkad ito sa kaniya, halos dumikit na ang labi nito sa kaniyang tenga, at bumulong. “Sabihin na lang natin na medyo agaw pansin talaga ako sa mga taong walang magawa kaya hanga’t-maaari ay ako na nag nag-aadjust, ako na ang nagsisigurado na hindi nila ako makikita.”
Pagtapos na bumulong ay agad rin itong tumuwid ng tayo at asiwang-asiwa na sinipat ang mga tao sa paligid. Gulat si Adeline na napaka inosente nito na parang wala manlang ideya na hindi naman dapat ganon kakomportable dapat sa isang tao lalo na at kakikilala lang talaga nila.
Maliban na lang kung matagal na siyang gusto, isip-isip ni Adeline.
“Ah, ang dumi ng utak mo, Adeline. Assumera ka ng taon,” bulong sa sarili saka binawa ang tingin dito kay Paul.
“A-ano?” tanong ni Paul.
“Wala. Sabi ko, wait lang at hahanapin ko lang mga kasamahan ko,”
“Ha, teka sabi mo ay ikaw lang,”
“Wag ka mag-alala. Sa tahimik ng mga iyon, parang wala ka ring kasama,” sabi ni Adeline.
Bumuntong-hininga si Adeline at sinipat ang buong canteen para hanapin kung saan nakaupo sina Henry at Alice. Makailang lingon pa siya bago natigil sa nakakatakot na tingin ni Henry mula sa malayo.
Wala itong kasama kaya maaaring nasa pila na naman si Alice at bumibili ng pagkain.
“Halika,” sabi ni Adeline at wala sa sariling hinawakan ang braso ni Paul para higitin palapit sa kung saan nakaupo si Henry.
Nang makarating sa table, agad na naupo si Adeline at nangunot pa ang noo nang hindi agad umupo sa tabi niya si Paul.
“Ano at...” iyamot na sabi ni Adeline saka tumingala rito pero agad na naputol ang sasabihin nang makita itong nakangiti ng maganda sa kaniya. “Hoy, napaano ka?”
Ngiting-ngiti namang sumagot si Paul. “Masaya lang po na hinawakan niyo ang braso ko.”
“Ah ayos to, andito pa talaga ako,” sabat ni Henry na di natutuwa sa nakikita.
“Tsk,” irap ni Adeline kay Henry saka tumingin pabalik kay Paul. “Upo ka na sa tabi ko at ako ay tantanan mo ng kagaganiyan. Mamaya na tayo mag-usap pag-uwian.”
Lumawak na naman ang ngiti si Paul, “Mag-u-...mag-u-usap tayo? A-Anong oras? Sa-saan?”
Hindi na napigilan ni Adeline na matawa, “Bakit ka ganiyan? Relax ka lang. Hindi ako si Anne Curtis o si Anne Hathaway.”
“Hindi ka naman talaga iyong mga ‘yon, kung sino man ang mga yon. Ikaw yan, at di ko mapigilang kabahan dahil matagal ko nang inasam na magkausap tayo, gustong-gusto kasi kita,”
Parang sinalok ang sikmura ni Adeline habang naglalaro sa isipan niya ang mga panahon na halos araw-araw nitong sinusubukan siyang kausapin sa convenience store kaso ay lagi siyang wala sa mood mamansin sa takot na matukso pa ng mga tao roon.
Baka nga sakali, kahit papano ay may totoong magkakagusto sa kaniya.
Giliw na giliw na nakatingin si Adeline sa mga mata nitong si Paul na mukha talagang sinsero sa lahat ng mga sinasabi.
“Oh, may bagong recruite?” biglang sabat ni Alice na naglalakad palapit habang tulak-tulak ang isang food cart na limang layer ng iba’t-ibang mga food trays ang nakasalansan.
“Wow. Lahat yan para satin lang? Ang yaman mo talaga,” pag-iiba ng usapan ni Adeline.
“Saks lang! Bagong sahod ang Mommy ko. Suhol,”
“Ah...Si Paul nga pala. Bahala siya kung sasama satin, taga ibang department siya. Ano siya...cashier sa malapit na convenience store sa apartment ko,” sabi ni Adeline na binaling na ang tingin kay Henry na ngayon ay di niya mawari ang titig.
Umirap si Adeline at sinungitan ito pabalik dahil sa inis sa ginawa sa kaniya sa bakanteng floor sa ikalimang palapag ng kanilang department.
Umupo si Alice, “Ako si Alice, single.”
Nanlaki ang mga mata ni Adeline at sinipa pa ang sapatos nito sa ilalim ng mesa dahil nakaupo ito sa tabi ni Henry, katapat nila ni Paul.
“Paul, sorry. Kulang sa tulog to eh,” sabi na lamang ni Adeline habang nilalabas ang baunan sa bag at diretso ng kain ng french fries mula sa tray na isa-isang nilalapag ni Alice sa mesa.
“Ah ok lang. Nice to meet you, Alice. Ako rin single pero balak ko nang manligaw kay Adeline kung papayagan niya ako.”
Humagalpak ng tawa si Alice samantalang si Adeline naman ay parang mabubulunan sa sinabi nito.
Nagpaka-ubo na si Adeline at pilit na humagilap ng baso pero parang kusa nang umatras ang ubo niya nang sabay na nag-abot si Henry at Paul ng tubig.
“Oh sheet! This is freaking good!” saad ni Alice. “Sige, welcome kana sa grupo. Ako ang leader dito at dahil bagay na bagay kayo ni Adeline, susuportahan kita.”
“Paul, di ba?” sabat ni Henry at ngumisi saka dinampot ang ice cream na kabababa lang ni Alice sabay dinilaan.
“Oo, ikaw?” sagot ni Paul habang naglalagay ng pagkain sa plato ni Adeline.
“Wag mo nang alamin dahil wala naman akong balak na kilalanin ka,” wala sa modong sagot ni Henry habang nakatuon na lamang ang mga tingin sa ginagawa nitong si Paul.
“Ah ok,”
Tumingin si Henry kay Adeline at dinilaan maigi ang ice cream, halos ubusin na, at tinuloy ang sinasabi kay Paul. “Payo lang, mukha ka kasing mabait at mukhang di ka pa nagkaka-girlfriend, wag ka basta-basta magkakagusto sa isang tao na di mo naman pa kilala ng lubos.”
Di mapigilan ni Adeline na makaramdam ng iyamot sa inaasta at sinasabi ni Henry pero mas lamang sa kaniya ang matinding pagkapahiya. Parang ngayong alam na ni Henry ang tungkol sa sikreto niya ay mas lalo lang siyang nawalan ng karapatan na magmahal at mahalin.
Parang mas mabigat ang dating kay Adeline ngayon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may lalaking nagtangkang magpaalam sa kaniya na kagusto-gusto naman siya.
“Kamusta Adeline?”
Natigil ang lahat nang biglang sumabat itong Raymond at naupo na lamang sa tabi ni Adeline.
Agad na nagbago ang ekspresiyon ng mukha ni Henry at mabilis na inubos ang ice cream saka tumayo.
“Tabi.” Sabi ni Henry kay Paul at agad na naupo sa kabilang tabi ni Adeline.
Nasa pagitan si Adeline ngayon ni Henry at Raymond. Wala siyang naging reaksiyon dahil wala na siya sa mood at pag wala talaga siya sa mood, lumalabas ang mga salitang kahit impyerno ay hirap tanggapin, mas mainam pang manahimik na lamang.
“Ayos lang siya,” si Henry na ang sumagot. “Anong kailangan mo?”
Tumingin agad si Raymond kay Henry, “Sino ka? Pasensiya na, si Adeline ang kausap ko, ”
Pumangalumbaba si Henry at ngumisi, “Ako? Ang bilis mo naman makalimot. Tsk! Tinulungan mo lang ako kahapon, limot na agad?”
Naningkit ang mga mata ni Raymond at tumango, “Ah tanda na nga kita. Sa grandstand.”
“Oo. Salamat nga pala,”
“Welcome pare,”
“Tapos na ako magpasalamat, pwede na kitang bastusin dahil ginago mo si Adeline. Uulitin ko ang tanong ko, anong kailangan mo kay Adeline?”
Napawi ang ngiti sa labi ni Raymond at napalitan nang pagkagulat, “Anong problema mo?”
“Marami akong problema at isa na roon ang panggagago mo kay Adeline,”
Nanlaki ang mga mata ni Adeline at nakataas ang mga kilay na binaling ang tingin kay Henry. “Anong ginagawa mo?” bulong niya rito.
“Sabi ko naman sayo, ako lang ang may karapatang mang-away at magpasama ng loob mo dahil sa akin ka lang may atraso,” bulong pabalik ni Henry.
Habang tumataas ang tensiyon sa tatlo ay diretso lamang ang kain ni Alice samantalang si Paul ay nakatuon lamang ang tingin kay Adeline.
“Ayos to ah, wag mong sabihin na may gusto ka dito?” hagalpak bigla ni Raymond nang tawa na tila diring-diri ang ekspresiyon sa mukha. “Pero wala naman akong pakialam. Lumapit lang ako para mangamusta dahil nabanggit sakin ng isa sa mga kaibigan ko na nakita raw si Adi ngayon sa fifth floor na may kasamang talunan rin, di ako makapaniwala pero ngayong nakita ko si Paul dito, totoo nga ata talaga. Gusto ko lang naman sabihin kay Adi na kahit anong gawin niyang magpaselos ay wala namang magagawa. Hinding-hindi ko siya magugustuhan. Yon lang naman. Hahaha, hay! Sabagay pag nagkagusto daw talaga, walang pakialam sa itsura. Nakikisali pa ang isang talunan, goodluck. Bagay kayong tatlo. Kayo na lang, uso naman ang three some.”
Tumayo si Raymond at kinuha pa ang ice cream ni Adeline saka humaglpak ng tawa.
Napakuyom ang mga kamay ni Henry at akma nang tatayo nang di na napigil ni Adeline ang sarili.
“You must be so fcking heartbroken that I did not beg for you to like me back? To make you feel so good that I like you so bad?” banat ni Adeline habang marahang tumatayo.
Nagsitinginan ang mga nasa canteen.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Raymond at napalitan ng pagka panic.
“Oh shet, I’m sorry. I forgot how poor your brain is to even handle basic English,” ngisi ni Adeline ng bahagya.
“Shut up,” banat nong Raymond.
“And? What else, baby? Come on. Huh. What other words do you know that your p*rn sites teach you?”
“You b-b*tch!”
“Oh I like it,” ganang-gana si Adeline. “But you know what. I just wanted you to know that I liked you, a little, but then I got afraid of your genes, I’d better let you go. You may look good but I don’t think I’d like your genes tarnish my beautiful brain, so chill, ok? Grow up boy, women nowadays don’t go for looks anymore. We can take care of ourselves and we don’t mind boys like you being worthless of our time. We needed someone who could be less of a hassle. Someone worthy as an addition to our queendom we forged hard over time to protect ourselves from people like you.” Naglakad si Adeline palapit rito at gigil na inagaw ang hawak sa kamay. “This is my ice cream, by the way. Buy your own, oww, I remember, you still ask mommy for money.”
“You...ang yabang mo!” sigaw ni Raymond at galit na galit na naglakad palayo.
Naglakad pabalik si Adeline at umupo sabay kumain na parang walang nangyari, “Oh anong tinitingin-tingin niyo, kain na.”
“Good job, ako na sana sasapak don eh, abala ang pota,” sabi ni Alice.
“Tss! Sayang ang energy. Sa dami nga ng sinabi ko, pusta ako wala pang two percent ang naunawaan non. Saka galawin na niyang lahat wag lang ang pagkain ko! Talo-talo na yon,” sabi ni Adeline.
Kumindat pa si Adeline kay Paul at tumaas naman ang kilay kay Henry.
Nabigla na lamang siya nang pagtapos nilang kumain ay marami na ang ngumingiti sa kaniya at bumabati.
“Sikat ka na,” bulong ni Alice habang nagtitinga.
“Tsk! Paul, mamaya na lang,” sabi ni Adeline at nagtungo na sila pabalik ng kanilang department building.
“Talagang makikipagkita ka don? Hindi mo pa naman yon ganon kakilala?” tanong ni Henry nang makalayo sila kay Paul.
Ngumisi naman si Adeline, “Ikaw nga di ko kilala, kasama sa bahay.”
“Iba yong sa atin,”
Tumigil sa paglalakad si Adeline at tumingin kay Henry.
“Tsk, una na ako. Mag elkyu na muna kayo at ako ay matutulog, busog na busog ako,” sabi ni Alice.
Nang makalayo si Alice ay bumuntong-hininga si Adeline, “Hindi ko talaga lubos na maunawaan ang mga asta mo, mga kinikilos mo, ang mga ginagawa mo? Pero kung nag-eenjoy ka na pagtripan ako at guluhin ang isip ko, magkaroon tayo ng kasunduan na wala tayong pakialamanan sa mga lakad o kahit na sinong gusto nating kitain o kausapin, sa trabaho lang tayo magkasundo. Isang taon lang naman at sana tumupad ka sa usapan. Alam ko, tunog nagmamaganda ako pero gulong-gulo talaga ako sayo. Alam kong hawak mo ngayon ang buhay ko pero hanggang don lang yon, labas na ang iba ko pang mga desisyon. Galit ka sakin di ba? Panindigan mo.”
“Sorry.” Tanging sabi ni Henry habang nakatitig ng matiim sa mga mata ni Adeline. “Alam kong nakakagalit yong ginawa ko kanina pero hindi ko lang talaga kayang magtimpi pag ang usapan ay tungkol sa wala kong kwentang ama.”
“Kalimutan na lang natin yong mga nangyari kanina. Mali rin akong nagpadala ako sa galit ko kaya sinabi ko yon para makabawi sayo,”
“Sige, kalimutan mo pero ako, hindi. Ingat ka sa lakad mo mamaya.”
Pagkasabi ni Henry non ay tumalikod na at naglakad palayo habang naiwang tulala na naman at nag-uumapaw ang nararamdaman si Adeline.
“AHH! Siraulo!”