Chapter 7

1637 Words
“Oy mauna na ako,” sabi ni Adeline paglabasan nila pagtapos ng huling klase nila sa araw na iyon. Nakakunot na ang noo niya habang nakamasid sa basang daan dahil sa biglang buhos ng ulan. “Makikipagkita ka pa rin? Malakas ang ulan,” sabi ni Alice. “May kailangan lang akong sabihin,” “Sige, ingat.” Sabi ni Alice habang kinukusot ang mga mata. Tumingin pa saglit si Adeline kay Henry, may parte sa kaniya na naghihintay na pigilan siya nito pero isinantabi na lamang niya at tumakbo palayo. “Sheet! Bakit ba naman kasi umulan pa ngayon?” iyamot na bulong ni Adeline habang tumatakbo sa ilalim ng ulan. Sa sobrang lakas ng ulan ay di na niya maaninag ang daan, basta tumatakbo na lamang siya habang nakapatong sa ulo ang backpack. “Babaho na naman paa ko,” bulong-bulong ni Adeline dahil sa ramdam na niya ang pagpasok ng tubig sa suot na sapatos. Patuloy pa siyang tumakbo hanggang sa tumigil siya sa kahabaan ng ng daan papunta sa main gate at hinubad na lamang ang sapatos. Pagkahubad ay tumakbo na ulit siya. Hanggang sa nagulat na lamang siya na may biglang humarang sa kaniya. Natigilan siya at namimikit na itiningala ang ulo para makita kung sino ang nasa harapan niya. “Bakit ka nagpapaulan?” Di naman mapigilang ngumiti ni Adeline nang makita si Paul sa harapan niya habang pinapayungan siya. “Ah, nagbabanlaw. Mabanas kanina eh,” Humagalpak ng tawa si Paul, “Ang ganda-ganda mo lalo na ang mga matatalino mong sinasabi,” “Anong matalino don? Binabara nga kita,” “Hindi lahat kaya yang ginagawa mo,” “Haha, tara na at napakalamig,” sabi ni Adeline at hinigit na ito sa kamay. “Ah ano, teka. May motor ako,” “Eh di dito na lang tayo mag-usap,” sabi ni Adeline habang nasa harapan ng main office. “Bakit? Wala ka bang tiwala sakin na iingatan ka?” “Ah...hindi kasi talaga ako nagbibiyahe sa motor. Ayaw ko ng motor,” “Bakit?” “Baka maflat. Ok na? Tsaka, delikado, madulas ang daan. Pero kung ipipilit mo naman, dito na lang tayo mag-usap, saglit lang naman ang sasabihin ko,” “Hindi pwede, mamaya ay matuyuan ka pa ng pawis at tubig ulan,” “Ha?” “Ang akin ayaw kong magkakasakit ka, di ako papayag,” sabi nito habang nakatitig ng malalim kay Adeline. “Ano namang gagawin mo kung pagdating natin sa convenience store mamaya pag tila na? May damit ka ba don? May pampalit ba ako don?” “Oo.” “Ah wow, ready??” “May c.r don. Tapos pili ka na lamang ng mga damit sa clothes section, ako na ang magbabayad,” “Ok. Ok. Pero magjeep na lang tayo para safe. Balikan mo na lang bukas ang motor mo,” Tumango na lamang si Paul bilang pagsang-ayon at nagtungo na sila sa convenience store. Sakto naman at alas-singko pa lamang. Tila na rin ang ulan. “Sigurado ka bang ok lamang na dito tayo?” tanong ni Adeline habang naglalakad kasunod ni Paul, nilalamig na ng sobra. “Isang oras na lang naman at shift ko na,” nakangiting sabi ni Paul habang binubuksan ang mga ilaw sa change room. “Hala, eh mamaya mapagalitan ka pa,” “Hindi yon, ako ang bahala. Magpalit ka na muna. Pagtapos mo, doon kita hihintayin sa labas,” Ngumiti si Adeline at tumango. Pumasok na siya sa c.r. at naghubad ng uniform, lagkit na lagkit na siya sa pakiramdam niya pero nanlaki ang mga mata nang mapagtanto na hindi na siya nakakuha ng damit. “Ahh Adi...utak mo—” “Adi...” Natigilan siya nang kumatok itong si Paul. “Bakit?” kabadong tanong ni Adeline pabalik. “Ano...iwan ko na lamang dito ang mga damit. W—Wala ng undies, sa—” Dali-daling nagbihis si Adi ng basang uniform at binuksan na ang pinto. Hindi na nag-abalang lumabas si Adeline ng pinto bago nagsalita, “Paul...thank you. Sobrang saya ko na sinabi mo sakin na gusto mo ako. Pero...pero...hindi pa ako handa na magpaligaw sa ngayon. Pero...sobra sobra ang pasasalamat ko kung totoo mang gusto mo talaga ako.” Ngumiti naman si Paul at tumungo, “Sabi ko na nga ba. Dahil ba sa pangit ako?” “Hala, hindi. Mali ka nang iniisip,” “Totoo naman. Sorry kung umasa rin ako na baka sakali, baka sakali iba ka sa karamihan na tumitingin sa panlabas na itsura,” Halos maiyak si Adeline nang makita ang pagpatak ng luha ni Paul sa mahabog nitong salamin. Humakbang siya palabas at sinapo ang magakabila nitong pisngi, “Aayusin ko muna ang sarili ko, yon ang dahilan ko. Saka mga bata pa naman tayo. Pagka graduate at nakahanap tayo ng mga trabaho, naging stable, tapos gusto mo pa rin ako, di mo na ako kailangan ligawan.” Umangat ang tingin ni Paul kay Adeline, “T—totoo ba ang sinsabi mo.” “Oo,” “Kahit hindi ambag sa genes mo ang itsura ko?” “Sira ulo ka ba? Tsk! Kung genes naman usapan, ganda ko na lang magdadala, tapos tangkad mo, bait mo, ok na yon, gagalingan na lang natin nang paggawa,” Nanlaki ang mga mata ni Paul at namula na daig pa ang kamatis ang magkabilang tenga at pisngi. “Ha..ah...baa....” “A, ba, ka, da, e, ga, ha....hakdog,” Nagtawanan silang dalawa. “Sana...sana kahit lumipas ang panahon, di mo talikuran itong sinabi mo,” sabi ni Paul. “Uwi na muna ako ha. Sa ngayon, maging magkaibigan na muna tayo, para magkakilala pa tayo, ok ba?” “Si...Si Henry...anong meron sa inyo?” “Wala. Wag mo nang pansinin yon,” “Gusto ka niya,” “Malabo. Sige na, bibili na ako nang makauwi,” sabi ni Adeline. “Salamat, Adeline.” “No worries.” Nang makabili ay mabilis na naglakad si Adeline pauwi ng apartment dahil pakiramdam niya ay lalagnatin na siya. “Ah Adi, bakit mo sinabi yon? Ang tanga mo!!” maktol niya habang nasa labas ng unit. “Bakit anong sinabi mo?” biglang tanong ni Henry pagbukas ng pinto. Halos mapatalon naman si Adeline sa gulat, “Paanong...paano ka nakapasok?” “Andito ako,” tawag ng kaniyang kapatid mula sa loob. Nadatnan kong parang aso na mangangagat na diyan sa labas kaya pinatuloy ko na. Saan ka ba nanggaling ha?” Dali-daling pumasok si Adeline, “Ate...anong ginagawa mo dito?” Sinira ni Henry ang pinto at tahimik na naglakad papuntang kusina para ipagpatuloy ang pagluluto. Nakaupo si Rasha sa sofa habang nanonood ng t.v. Laking gulat pa ni Adeline na makitang nakapambahay lang ito at nakasuot ng maiksing short. Di niya mapigilang makaramdam nang pagkainggit sa kung gaano kaliit at kaimpis ang mahahaba nitong mga hita. “Bakit basang-basa ka?” tanong nito. “Itsura mo.” Lumunok ng laway si Adeline bago sumagot dahil nakaramdam siya nang lungkot dahil sa sinabi ng kapatid, “Ah...ano...dumaan ako sa convenience store. Nauna ako ng labas kay Henry. Saka may...may...” “Ano?” napangisi ito. “May kinita ka? Hahaha. Hirap na hirap ka pang sabihin di naman ako magagalit. Matutuwa pa ako kung magkakaboyfriend ka na. Siguro, yong cashier sa convenience store no? Bagay kayo.” Humagalpak ito ng tawa na lalong nagpatungo kay Adeline. “Ate naman oh, nanahimik yong tao don.” “Biro lang naman. Siya magpalit ka na at baka magkasakit ka na at may sasabihin ako pagtapos,” “Ah sige Ate.” Pagpasok ng kwarto ay dire-diretso ang pagtulo ng mga luha ni Adeline. Masyadong maraming nangyari sa araw na iyon, pakiramdam niya ubos na ubos ang lakas niya. Naghubad siya ng damit at ganon na lamang ang galit sa sarili nang makita ang matabang repleksiyon sa bintana. Mabilis siyang pumasok sa banyo at naligo habang umiiyak. Pagtapos na pagtapos ay lumabas na siya ng kwarto at saktong naghahain ng makakain si Henry sa center table sa mesa. Tumingin siya sa saglit sa orasan at may dalawang oras pa naman bago mag-alas-otso. “Grabe ang bango naman,” sabik niyang sabi dahil napawi na nang mabangong amoy ng pagkain ang sama ng loob. Marupok talaga siya pagdating sa pagkain. Matinong pagkain. “Upo ka na at kakain. May mga assignments pa tayo kaya mas maiging maaga nang kumain,” sabi ni Henry. Umupo naman si Adeline at sabik na humigop ng sabaw. “Adeline, umayos ka! Pag sa pagkain ka talaga,” saway ni Rasha. “Di ka manlang mahiya sa kasama mo.” Umirap naman si Adeline, “Bakit naman ako mahihiya diyan?” Agad na humigop ng sabaw si Adeline at sinimsim ang bawat subo. “Ang sarap.” Umupo naman si Henry sa tabi ni Adeline at pinahid ang pawis niya, “Dahan-dahan.” “Ang sarap eh,” sabi ni Adeline. Umiling na lamang sabay ngiti si Henry. “Kung hindi ko alam ang totoo, iisipin ko may gusto si Henry sayo eh,” sabi ni Rasha saka sumubo. Nawala naman ang sabik ni Adeline at nalungkot na naman pero pilit na nilabanan, “Nako Ate, malabo yan. Puputi na muna ang uwak.” “Kaya nga, sinasabi ko lang,” sabi ni Rasha. “Nakakatawa kasi kayong tingnan.” Ngumisi si Henry at tumingin sa kinakain, “Ano na palang nangyari sa pag-uusap niyo ni Paul? Manliligaw pa rin ba siya?” Nawala ang ngiti sa mukha ni Rasha. Halos mabilaukan naman si Adeline sa sinabi ni Henry. “Gag...tubig!” Agad na pinaglagay ng tubig ni Henry si Adeline at pinainom, “Bakit? Nagtatanong lang naman ako. Natagalan ka nang umuwi, kanina pa ako nag-iintay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD