“Anong...sinong Paul?” pagsali ni Rasha sa usapan. “Yong cashier sa convenience store,” sagot ni Henry. Tumawa ng malala si Rasha dahilan para mamula ang mga mata ni Adeline pero pinilit na lamang tumawa. “Sabi ko na nga ba, trip ka non. Sa tuwing bumibili tayo natataranta yon, susubok makipag-usap...nanginginig pa ang mga kamay pag aabot na ang sukli,” “Ate naman,” awat ni Adeline pagkababa ng baso ng tubig. “Haha Adi ha...sinasabi ko sayo. Alam ko na sabik ka na mahalin, pero ang dami diyan ha,” “Mabait naman yong tao,” “Anong magagawa ng bait non pag pinirisinta mo na yon kina Mama,” “Bakit, akala mo kung sino na?” biglang tanong ni Henry kay Rasha. “Hindi naman. Syempre, baka mamaya maulit na naman yong ganon kay Raymond at sa maraming mga lalaking nanloko sa kaniya,” Tuman

