“Bangon na!” Nangungunot ang noo ni Adeline kinabukasan nang makita sa katabing orasan na alas-quatro pa lamang ng madaling araw tapos nagsisisigaw na agad itong si Henry. “Manahimik ka. Bwisit ka! Agang-aga,” ungot ni Adeline na nagtabon pa ng unan sa mukha para maipagpatuloy ang tulog “Bibilang lang ako hanggang sampo,” “Kahit isang daan pa,” Di na sumagot si Henry kaya ang akala ni Adeline ay sumuko na ito pero mali siya sa kaniyang akala. Naramdaman na lamang niya ang pag-angat ng kaniyang dalawang paa at unti-unti na siyang hinila nito paalis sa kama. “HENRYY!!!” “Sabi sayo, sampong segundo lamang ang pasensiya ko,” “Ano na naman ba? Puyat na puyat pa ako kagabi,” hinaing ni Adeline habang pilit na kumakapit sa kumot at sapin sa kama para di tuluyang mahila. “Bakit? Ako ba h

