Mainit ang tama sa balat ng sikat ng araw, biyernes ng umaga. Ayaw pa man ay walang choice si Adeline kundi ang bumangon. “Kung hindi lang mabango ang pagkain,” ungot niya saka silaw na silaw na nag-inat. Tumingin siya sa orasan sa tabi ng kama at napabuntong-hininga. “Buti gising ka na,” sabi ni Henry pagbukas ng pinto. “Maligo ka na at maaga tayo sa mall.” “Di ba talaga pwedeng, yong mga dating damit ko na lamang ang suotin ko?” mahinahong tanong ni Adeline. “Hindi. Pinaghirapan mo na rin lamang ito, kailangan ay presentable kang tingnan,” “May...balita na ba kay Paul?” alanganing tanong ni Adeline. “Wag mong hanapin ang mga taong nang-iwan,” walang emosyon na sabi ni Henry. “Sila ang umalis, sila rin ang bumalik.” “Ito naman. Tinatanong lang.” Bumangon na si Adeline at naligo.

