[I’m sorry, Adeline. But I don’t think I am good enough for you. Is not you, is me. Yours truly, Raymond.]
[IT’S...magtagalog ka na lang, wag mo nang pilitin, ako ang nahihiya para sayo eh. Ge. -Sent]
Nanlulumong bumagsak ang dalawang kamay ni Adeline matapos na magreply sa huling mensahe mula sa lalaking nanliligaw sa kaniya ng mahigit dalawang linggo pa lamang.
“Oh, anong mukha yan?” tanong ni Rasha, ang kaniyang panganay na kapatid na babae. “Excuse letter na naman?”
“Haha, grabe! Hindi, wala to ate,” iwas ni Adeline sa mapang-usig na tingin ng kapatid mula sa front mirror ng sasakyan.
“Tsk! Si Raymond ba yan? Ayaw na?”
“He’s not good enough raw,” malungkot na sagot ni Adeline saka nangalumbaba sa bintana ng kotse, pilit na ibinaling ang tingin sa labas para pahanginan ang mga mata para di maluha. “Pakshet! Mas mahapdi pala.”
“Bakit? Tapos na yong research na ginawa mo para sa kaniya? Wala manlang thank you? Hay!! Adeline, stop this! You are smart enough to know if you are just being used!”
“Ate, stop it. Alam ko. Alam na alam ko na. But unlike you, I have to live by the other rule of love. Wala akong choice. Give and you’ll receive. The business type of love. Kung kasing sexy at kasing ganda mo lang sana ako, eh di mas madali lang ang lahat,” himutok ni Adeline habang pilit na iniipit ang mga nagbabantang mga hikbi.
“No, Adeline. Maling-mali ka don. You are beautiful and healthy. May taong magmamahal sayo ng ano ka pero mas mabuti pa ring magpapayat ka para mas maging healthy ka pa. Nauunawaan mo ba?”
Tumigil si Rasha sa pagsasalita nang tumapat sa harapan ng university na pinapapasukan ni Adeline.
“Thanks, Ate,” paalam niya sa kapatid pagbaba ng sasakyan.
Bakas sa boses niya ang pagka-atat na makalayo sa ate niya dahil sa mga pwede pa nitong sabihin na masyado nang masakit para sa kaniya.
Para sa kaniya ay hindi naman talaga siya mauunawaan nito.
“Nga pala, di kita madadaanan mamaya. May date kasi kami ni Tommy after work. Kaya mo naman mag-commute pauwi ng apartment mo diba?”
“Ayaw ko naman magpadaan no, mahirap yon, mamamatay ako. Joke. Haha. Sige, Te, ako ng bahala. Good luck. Bigyan mo na ng apo sina Mama ha.”
“Bibig mo, Adeline ha! Kasal muna, yon lang ang hinihiling ko kay Tommy. Sige na, pag-uwi ko, punta ko sa apartment mo at pagluluto kita para icelebrate ang heartbreak mo. Love you!”
“Wow, ang thoughtful mo talaga. Love you too.”
Todo ang ngiti at pagkaway ni Adeline habang pinagmamasdang magmaneho ang kapatid palayo. Nang tuluyang makaalis ay agad na nawala ang kaniyang ngiti at pinagpasyahang di na lang muna pumasok ng first class dahil sa lungkot na nararamdaman.
Since highschool ay ganon na lang lagi ang nararanasan niya. Pakikiligin, paaasahin at pag tapos na ang kailangan, tapos na rin ang masasayang araw.
“Binusog pa niya ako ng pagkain at mga mabubulaklak na salita! Gagu! Kung chicharong bulaklak pa sana yon eh di sana, mas masaya!” maktol niya habang naglalakad papunta sa grandstand.
Bukod sa pagdadrama, sa grandstand lang nakakapanalamin ng maayos si Adeline na walang sagabal dahil sobrang layo nito sa mga buildings ng iba’t-ibang departments. Kung pipilitin naman niya na mag-banyo sa kanilang department building ay baka malait pa siya at sabihang pasikip pa.
“Ito na lahat ng baon mo? HA! Ibigay mong lahat!”
Natigilan sa paglalakad si Adeline nang marinig ang boses ng isang lalaki na nagsasalita at may ilan namang nagtatawanan.
“W—Wala na. Iyan lang lahat ng pera ko,” turan naman ng isang lalaki na bakas ang pagod sa boses.
“Bullying?” bulong niya habang naglalakad paatras.
Nang masiguradong walang nakamalay sa kaniya ay agad siyang tumakbo sa president’s office. Humahangos at halos namumutla na siya nang makarating sa third-floor ng main building.
“Haa! Bwisit! Gagawa-gawa ng matataas na building tapos walang elevator,” ungot niya saka pinihit ang doorknob ng pinto.
“Adeline,” singhap agad niyong Raymond nang magtama ang kanilang mga paningin pagbukas niya sa pinto.
Huling-huli ng mga mata ni Adeline kung paano ito kaabala sa pakikipagharutan sa ibang babae at wala manlang bahid ng pagkakonsensiya sa panggagamit na ginawa sa kaniya.
Sanay na siya sa ganoong set-up pero masakit pa rin.
“Busy ka?” monotono ang boses ni Adeline habang pinipilit na wag magpakita ng kahit anong emosyon.
Tumayo ito at di napigilan ni Adeline na mapangiwi sa nakikitang inis sa mukha nito dahil parang nakaabala pa siya.
“Anong kailangan mo?” tanong nitong Raymond.
Kumunot ang noo ni Adeline. Gusto sana niyang maasar pero pinili na lamang kumalma alang-alang sa aircon ng opisina.
“Iba talaga pag president ang Mama,” sarkastikong na lamang na bulong ni Adeline.
“Adeline, wag dito,” sabi nito at agad siyang hinawakan sa braso para hilahin palabas.
“Oh my gosh, don’t tell me Ray, babawiin niya ang pambabasted niya sayo? Sa taba mo na yan, talagang binasted mo pa si Raymond?” nakakainsultong sabi ng babae habang nakasunod sa kanila palabas.
Napakuyom na ang mga kamay ni Adeline at hinayaan nang mag-init ang ulo dahil sa wala ng aircon.
Tumigil siya sa paglalakad at kahit anong hila ni Raymond sa kaniya hindi nito kaya dahil sa laki niya.
“Ayaw ko sa lahat nagagalit ako kasi sayang ang enerhiya ko. Naku, Raymond, pigilan mo ako. Babaluktutin ko ang femur, tibia, at fibula nitong babae mo.” Kumunot ang noo nong babae at napanganga sa sinabi niya. “Di mo alam!” baling ni Adeline sa babae. “Ikaw na grade three ka, huwag kang mag-angas. Naliliitan ka ba sakin? Oo mataba ako pero mas maganda ako sayo. Kung wala kang make-up, kamukha mo lang ang tuhod ko. O shet, wala nga pala akong tuhod, nakatago sa taba ko. Yon ka! Mukhang tuhod na nakatago. Kaya ko siya binasted? Alam mo kung bakit? He’s not good enough for me!”
“Ang yabang mo!” sigaw nitong babae.
“Pangit ka naman!”
“Tama na Adeline. Wag mong ipahiya ang sarili mo. Ginawan na kita ng pabor, pinalalabas ko na binasted mo ako para lang di ka maging tampulan ng tukso!” gigil na bulong ni Raymond saka hinayaan na niyang kaladkarin nito papunta sa locker room ng basketball team.
Pagpasok ay patulak siya nitong binatawan. “Anong kailangan mo?” galit na tanong nito sa kaniya. “Look. I cannot like you—”
“So, do I. I cannot like you. Pumayag lang ako sa deal para sa libreng pagkain. Kaya ako lumapit sayo ngayon eh para sana kunin ang last payment ng research. Don’t worry di ito pera, mamaya eh manghingi kapa kay Pres. May binubully sa grandstand. Bilisan mo. Pampabango rin ng pangalan mo.”
Pagkasabi ay umalis na si Adeline at hindi na nilingon pa ito.
Pumasok na si Adeline sa first class kahit late at naperfect pa ang quiz sa last-minute ng klase. Kailangan niyang madivert ang isip o baka makagawa siya ng mga bagay-bagay na pagsisisihan sa huli.
“Ang lukot ng mukha mo,” bulong nitong katabi niya na hagya nang nakamulat ang mga mata habang nakaunan ang ulo sa bag.
Lumingon siya rito habang nakapangalumbaba. Nasa likuran na naman sila at pinakasulok pa.
“Sino ka nga?” tanong ni Adeline rito.
Natawa ito at tamad na tamad na bahagyang iniangat ang ulo saka tinukod ang siko sa bag at nangalumbaba, “I am Alice. And you are Adeline di ba?”
“Wow! Ang galing naman. Nalaman mo pa name ko eh buong years natin sa college, tulog ka.”
“Ang galing no, nakaabot pa ako ng fifth year. Ikaw lang kasi ang tumatabi sakin,”
“Ah! Kasi ayaw ko ng kausap,”
“HAha! I like you,”
“Di ako pumapatol sa baluktot.”
Mas lumakas ang tawa ni Alice kaya takot na takot na nagsitinginan ang mga kaklase nila sa kanila. Sila kasi ‘yong dalawa sa klase na hindi manlang nagpapakita ng kahit katiting na emosyon o interes sa kahit anong mga bagay-bagay basta pumasa ay ayos na.
“ALICE, ADELINE! LABAS!” sigaw ng professor nila.
“Pero sir,” reklamo sana ni Adeline pero hinigit na siya nitong Alice.
Sa canteen sila nagpunta at laking gulat niya nang umupo ito sa table kung saan may nakaupong lalaki na pasa-pasa ang mukha at punit-punit ang polo.
“Sup, Henry. May bago tayong tropa. Si Adeline. Hahaha bagay kayo, gusot ang mga mukha. Sige, dito na muna kayo, bili lang ako makakain,” sabi ni Alice.
Di naman na nakaimik si Adeline dahil nakatuon na ang pansin dito sa Henry.
“Anyare sayo?” tanong ni Adeline nang makalayo si Alice.
Iniangat nitong Henry ang tingin sa kaniya at matalas ang mga tingin nito. “Talagang tinatanong mo ako niyan? Pagtapos mo akong iwan sa grandstand?”
Napalaki ang mga mata ni Adeline, “Ah ikaw pala ang binubully don?”
Di naman na ito nagsalita at pinagpatuloy ang pagyeyelo sa mukha.
“I helped you. Just to clear my name. I asked for help. That’s the smartest thing to do. So, you owe me your life, to be exact,”
Ngumisi ito at malakas na binagsak ang yelo sa mesa, “Ganiyan kayong mayayaman, nakakatawa!”
“Excuse me?”
Dumating iyong Alice naman na tatlong patong ng tray ng pagkain ang dala, “KAIN! Ang gutom eh! Kakaantok kasi sa room.”
Tumayo iyong Henry at iniwan na sila.
“Hala, anong sinabi mo?” tanong ni Alice na nagsimula nang kumain.
“Wala. He’s just being hypocrite. Ano to libre mo?” tanong ni Adeline.
“Hindi ka ba mayaman?”
“Hindi.”
“Ok, libre ko na,” sabi ni Alice. “Dig in!”
Alas-quatro lang nang mag-uwian sila at kagaya ng dati, dahil halos walang gustong magsakay sa kaniya, mga alas-seis na ng gabi nang bumaba siya sa tapat ng convenience store na malapit lamang sa tinitirhang apartment.
“Welcome,” bati ng cashier roon na lalaki.
Agad namang tumungo si Adeline at dali-daling nagtungo sa sections ng mga cup noodles. Wala na naman siyang ganang kumain pero hindi naman pwedeng mag-gutom.
Pagkatapos na kumain ay kumuha na siya ng maliit na cart at inilagay lahat ang mga supot ng ice-cream sticks saka nagpunta na sa counter.
“Mam, alam niyo ho bang masarap talaga ang ice cream lalo na pag malungkot pero, masama naman ho ang sobra sa katawan, kagaya ng masama rin ang sobrang lungkot,” wika ng cashier habang pinapunch ang mga ito dahilan para lalo nang mawala sa mood si Adeline.
“Bayad.” Turan na lang ni Adeline at hinablot na ang plastic na punong-puno ng ice cream sticks, gusot na gusot ang mukha sa irita. “Kala mo naman kilala ako.”
Nagmamartsa siyang naglakad papunta sa kaniyang apartment building, diretso sa elevator, at bumaba sa floor unit niya.
Tahimik ang kahabaan ng pasilyo na naabot ng kaniyang tingin. Isip niya, malamang sa malamang nasa party na naman ang mga kapitbahay niya, kasama ang mga karelasyon ng mga ito at siya na naman lamang ang tao sa buong floor, sa loob ng kaniyang unit, mag-isa.
“So what? Masaya mag-isa, walang kaagaw sa pagkain,” apila niya sa sariling isipan at idinampi ang keycard sa pinto ng kaniyang unit.
“Welcome home, Adeline.” Bati ng automated voice ng pinto.
“Shut up!”
Wala siyang kagana-gana na pumasok at tamad na tamad na isinara ang pinto. Sinipa niya ang kaniyang sapatos sa ibaba ng shoe rack dahil hindi naman siya makakayuko para alisin ito.
Nagtungo siya sa kaniyang kwarto at ibinaba ang bag sa ibabaw ng kama.
Pagkatapos, naglakad siya palapit sa study table na nakaharap sa malaking bintana na nakatanaw sa kalawakan ng lungsod.
Nasa ikalimang palapag ng building ang kaniyang unit kaya maganda ang tanawain, bagay na bagay sa dimmed effect ng kaniyang kwarto.
Gayunpaman, sa kabila ng magandang tanawin, magandang kwarto, at magandang set-up ng study table, sa malabong repleksiyon ng kaniyang sarili sa bintana siya nakatingin.
Kung susuriin nga ay walang kahit anong salamin sa unit ni Adeline maliban sa bintana. “Stupid! Don’t cry! Tumaba ka dahil kinailangan mo buhayin ang sarili mo at ang pamilya mo dahil iyon lang ang paraan para magkaroon ka ng halaga.”
Pinahid niya ang isang luha na pumatak at yumukyok sa harapan ng isang maliit na cabinet ng study table. Binuksan niya ito at isang mini-ref ang tumambad sa kaniya na may tatlong piraso pa ng ice-cream stick. Isinalansan niya ang mga bagong dala at isinarado rin agad.
Nagtungo siya sa banyo pagtapos at nagpalit ng pambahay. Paglabas ay agad niyang ginawa ang mga dapat gawin. Gawaing bahay at mga assignments.
Nang makitang alas-otso na sa orasan ay binigyan niya ng mabilis na sipat ang buong bahay bago nagtungo pabalik sa kwarto at marahang isinara ang pinto.
Makailang buntong-hininga pa siya bago binuksan ang laptop. Isinuot niya ang headphone at naupo sa gaming chfair.
May mga pinindot-pindot siya at tinype-type sa laptop bago pilit na ngumiti saka nagsalita, “Hi. I am Adi Snow, your phone companion for the night. May I know how much you can offer my company per minute tonight?”
“Your voice sounds so sexy; I want you to moan for me. Then I’ll give you an offer,” sagot ng lalaki sa kabilang linya.