Chapter 2

1789 Words
Napairap na lamang si Adeline at napansin ang pagdampi ng mga butil ng ulan sa bintana. Umiling siya dahil sa uulan na naman. Dagdag lungkot na naman. Huminga siya ng malalim bago sumagot, “My pleasure, darling...ready?” “More than ready, you were recommended by my friend and I have waited for a long time to make sure I reserved a slot on your schedule,” “That is so nice to hear my love. With that, you deserve the best. Ah...mmm.” Ungot niya sa suot na headphone. Natahimik iyong lalaki sa kabilang linya dahilan para saglit na kabahan si Adeline. “F-ck, you are really good.” Sa wakas ay sabi nito. Nakahinga naman si Adeline. “I know. Been doing this for so long, I never knew I’d wanted to get better because of you,” tugon ni Adeline na labag na labag sa loob ang ginagawa pero para sa pera, ay kailangan niyang magtiis hanggat makatapos lamang siya ng pag-aaral. Sa isip-isip pati niya ay mas mabilis siyang makakamove-on, kagaya lang ng dati. Dahil may makakausap na siya na di siya huhusgahan dahil di naman siya nakikita, may kikitain pa siya. “A dollar per minute for your sexy voice, would that be enough?” “That would be perfect. Shall we begin?” puno ng pang-aakit na tanong ni Adeline. Ito ang pinakamalaking sekreto ni Adeline. Bukod sa pera ay meron rin siyang mga desires na kailangan pakawalan at nakukuha niya iyon sa kaniyang sekretong trabaho. Binuksan niya ang mini-ref at humunot ng ice-cream. “HMM!” ungot niya nang isubo ito at nilaro-laro sa bibig. “AHH! Adi...” gigil na sabi ng lalaking kausap sa kabilang linya. “Yes...” halos mabulunan pa ang atake ni Adeline na sinasagad ang subo sa ice cream. “Oh you’re so big and hot. My mouth wants all of your juices, daddy!” “AHH! F-ck! Ahh! I f-cking want to get inside you. Touch yours,” sabi nito dahilan para matigilan si Adeline. Never pa niya nasubukan iyon. “Next time, Daddy,” palusot niya at mas sinupsop ang tumutulong sabaw ng ice cream. “That’ll be five dollars per minute.” Mahigit isang oras rin sila at naka-tatlong ice cream rin siya nang bitawan ang unang caller. “Ang takaw naman non,” bulong niya sa sarili habang pinupunasan ang basa dulot ng ice cream. “Now, for the second, one,” bulong niya at tinanggap ang second caller. Kaso, akma pa lang siyang sasagot nang magring ang doorbell ng kaniyang unit. “Sheet si Ate nga pala pupunta dito. Teka,” singhap niya at madaling sinara ang laptop saka tumakbo palabas ng kwarto. Sinilip niya sa cctv kung sino ang nasa pinto at laking gulat niya nang makita iyong Henry. Marahan niyang binuksan ang pinto pero nanatili siyang nakatago sa likuran at tinanong ito, “Anong kailangan mo? Hindi ako mayaman.” “Tulungan mo ako ulit,” sabi ni Henry. “Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” “Kay Alice,” “SHT!” ungot ni Adeline sa inis. “Pasensiya na pero, hindi ako charity...” “Please, wala na akong ibang matutuluyan,” sabi nito na puno ng pagkadesperado ang boses. “Patirahin mo ko rito, gagawin ko lahat ng iuutos mo. Wala kang maririnig. Pag nakapagtapos na ako at nakahanap ng trabaho, aalis rin ako.” Sumilip si Adeline sa siwang ng pinto at nakitang basang-basa si Henry, mukhang pagod na pagod at hinang-hina. “Bakit wala kang ibang matutuluyan? Wala ka bang kamag-anak?” “Naglayas ako,” “What the— Tsk! Bakit?” “I swear, wala akong balak na masama.” Halos masabunutan ni Adeline ang sarili dahil hindi naman niya kayang tiisin ang isang tao na humihingi ng tulong. Bumuntong-hininga siya bago nagsalita, “One night. Palipas ka lang, baka nabibigla ka lang. Bukas pag kalmado ka na—” natigilan si Adeline nang humakbang ito papasok ay halos matumba na ito sa kaniya. Inaapoy ito ng lagnat at mas malala ang mga pasa sa mukha. May kung anong sumalok sa sikmura niya habang yakap-yakap ito para di matumba. Ni minsan ay di pa siya nakapalapit ng ganito kalapit sa isang lalaki, sa isang binata. “Sht! Focus!” bulong niya sa sarili at mabilis na inalalayan ito paupo ng sofa. Napahiga si Henry at pumikit ang mga mata, maaaring sa pagod at panghihinga, isip ni Adeline. Ni-lock lang niya ang pinto at madaling kumuha ng mainit na tubig. Kumuha na rin siya ng tshirt dahil sigurado naman siyang kasya ang damit niya rito. Hinubad niya ang suot nitong basang damit pagkabalik at mabilis na pinunasan. Habang nagpupunas ay halos maubusan siya ng hininga dahil sa ganda ng katawan nito. Sa isip niya ay masyadong naglaan ng oras ang Maylikha sa paggawa rito kay Henry. Hindi tuloy niya mapigilan na bagalan ang kamay sa bato-bato nitong abs. Maliban sa mga palabas ay sa libro lamang siya nabigyan ng ideya at deskripsiyon sa kung ano ang pakiramdam pag nakahawak ng abs. Ngayon ay napagtanto niyang mas maganda pa rin talaga ang live. “Adeline!” awat niya sa sarili at dali-daling tumayo saka binato ang bimpo kay Henry. “Punasan mo sarili mo at ipapagluto kita nang makainom ka ng gamot.” “Libre ang abs ko para lang patirahin mo ako dito,” ungot nito habang nakapikit ang mga mata. “Sayo na abs mo, may bilbil ako.” Halos magwala na si Adeline pagdating sa kusina. Kilig na kilig siya pero agad na napawi ang kilig niya pagbukas ng ref. Noodles lamang ang laman nito, isang plato ng panis na kanin, at mga nabulok ng mga gulay. “P*tang*na! Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kawalang kwenta ang buhay ko,” bulong ni Adeline at kinuha ang dalawang supot ng noodle’s sa ref. Isa kay Henry at isa sa kaniya. Syempre, napagod siyang kiligin. Matindi ang nararamdaman niyang hiya pero niluto na rin niya ang noodles dahil bukod sa iyon lang ang meron siya, mabilis itong lutuin para mapainom na ng gamot si Henry. Kaso, di pa man siya natatapos magluto nang may magdoorbell na naman. “Adeline!” Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses ng kapatid. Dali-dali niyang pinatay ang stove at tumakbo palabalik sa sofa. Kamalas-malasan ay tulog na si Henry. “Andiyan ang Ate ko!” bulong niya at pilit na tinulungan si Henry na tumayo. Hirap na hirap silang naglakad papunta sa kaniyang kwarto. Pagkabukas ng pinto ng kwarto ay halos itinapon na lang ni Adeline si Henry sa dagmakan ng kaniyang mga lamog saka ini-lock ang pinto. “Adeline!” malakas na ang katok ng kaniyang kapatid. “Andiyan na. Grabe, natutulog na ako eh,” sabi niya saka ginulo-gulo at kinusot ang mga mata para magmukhang kagigising lang. Pagbukas ay agad itong yumakap sa kaniya, “ADI!!! Ikakasal na ako!” Natahimik si Adeline sa narinig. Hinayaan niya lang itong ngumawa bago siya nagsalita, “Congrats! Di ba matagal mo na yong gusto? Bakit parang di ka naman masaya?” “Di ako sigurado kung magiging mabuti akong asawa! Kung kaya ko bang maging asawa!” Habang yakap-yakap ang kapatid ay napatingin siya sa bitbit nitong plastic at alam na niyang magdamag na inuman na naman ang mangyayari. Hindi na ang heartbreak niya ang papag-usapan at sanay na siya ron. Alas-onse na ng gabi nang dumating ang boyfriend ng kaniyang kapatid para sunduin ito. “AhH! Kala ko di na aalis,” ungot niya habang inaayos ang mga kalat at pinag-inuman. Ramdam niya ang hilo at init dahil sa dami ng nainom. Pagtapos maglinis, este, pagsama-samahin ang lahat ng mga huhugasan sa lababo, patayin ang lahat ng kailangan patayin, ay tamad na tamad na naglakad si Adeline papunta sa kwarto para matulog pero doon lang siya natauhan na may kasama nga pala siya. “SHT! Si Henry!” Dali-dali niyang binuksan ang pinto at bumungad ito sa kaniya na dahan-dahang humaharap habang nakaupo sa kaniyang gaming chair at suot ang headphone, kumakain pa ng ice cream stick. Nag-iba ang awra nito, malayo sa Henry kanina. “Henry.” Hagya nang masabi ni Adeline. Binaba nito ang headphone at naglakad palapit sa kaniya. Saglit pa siyang napalingon sa gulat nang kusang magsara ang pinto pero agad ring binalik ang tingin kay Henry. “Adi Snow. Ikaw ba yon?” tanong nito saka tinapon ang stick na pinag-ubusan ng ice cream. “Bakit mo pinakialaman ang laptop ko?” “Ako ang unang nagtanong, sagutin mo,” “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” hirap na hirap na panatilihin ni Adeline na mulat ang mga mata dahil sa tumatama na ang alak sa kaniya. “Talaga lang ha,” ismid nito. Tumalim ang tingin nito sa kaniya na kung makakamatay ang tingin baka nilalanggam na siya. “Ano bang nangyayari?” “Sinungaling!” galit na sigaw nito na labis niyang kinagulat. Sa sobrang gulat ay tila naalis ang kalahati ng kaniyang kalasingan. Lamig at init ang naramdaman niya habang di binibitawan ang matalim na tingin nito at humahakbang paatras ng paunti-unti. “Ano bang kinakagalit mo--- sht!” Wala nang maatrasan si Adeline dahil napasandal na siya sa pinto. “Anong kinagagalit ko? Ano nga ba? Ah...naalala ko na. Dahil nga pala sa isang p*nyetang Adi Snow na yan, nagkaletse-letse na ang buhay ko!” Sinuntok ni Henry ang pinto na mas kinagulat ni Adeline. Hindi dahil sa suntok kundi ang distansiya ng suntok nito mula sa kaniyang mukha. Kung gugustuhin nito ay basag ang mukha niya at tapos na ang usapan. “A-anong ibig mong sabihin?” takot na takot na tanong ni Adeline habang sinisipat kung gaano ang layo ng kaniyang cellphone para makatawag ng tulong. “First year college ako, isang gabi umuwi ako na binubugbog ni Papa si Mama dahil nahuli ni Mama si Papa na may katawagan sa telepono na ang pangalan ay Adi Snow. Umawat ako at iyon rin ang unang gabi na na nabugbog ako ni Papa na kung di ako mananahimik, mapapatalsik kami sa bahay. Limang taon, limang taon na parang impyerno ang buhay namin dahil wala naman kaming mapupuntahan. Nalubog sa utang para lang may pambili sa letseng panandaliang sabik na dulot ng mga walang kwentang mga salita. Kita mo tong bugbog ko sa mukha, gawa na naman ito ni Papa dahil sa hindi ko siya binigyan ng pera pampareserve sa magaling niyang Adi Snow. Perang pinaghihirapan kong kitain sa construction para lang makatapos ng pag-aaral. At sakto, ako pa ang nakasagot ng tawag ni Papa ngayon. Tang*na, eh wala namang nakakagana sa sinasabi mo. Napakababang klase mo naman pala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD