Mabilis na lumipas ang panahon. Dalawang taon ang dumaan, gumraduate sina Adeline at agad ring nakuha sa trabaho dahil kinuha sila ni Alice. Turns out ang chill nilang prend ay nagmamay-ari lang naman ng isang sikat at malaking kompaniya. “Oy! Oy! Dali-dali ah!” biro ni Alice kay Henry nang madali itong tumayo mula sa upuan nang matapos ang huling paper report para sa araw na iyon. Umirap lamang si Henry kay Alice at nagsuot na ng coat. “Pabati na lang kay Adi ha,” sabi ni Alice sabay humigop ng kape. “Sige,” maiksing sagot ni Henry dahil dali-dali na talaga. “Ikaw ha! Ang walang-galang mo sa boss mo!” “Hindi ka namin boss, katrabaho ka namin,” “Ako ang tagapagmana nito!” “Sige, balitaan na lamang kita,” “Hay sa wakas! Galingan mo ha, gusto ko na maging Ninang!” Tumakbo na si H

