"T-Third! Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Malakas na sigaw ni Mariel kay Third nang matauhan siya at makawala ang labi niya sa panghahalik nito sa kanya. Ngunit hindi siya nito pinakinggan at muli siyang kinuyumos ng halik na mas pinalalim pa nito lalo. Kaya sinubukan niya itong tinulak nang malakas pero mabilis siya nitong niyakap nang mas mahigpit. "Ano ba, Third?!" sigaw niya ulit nang itulak niya ito sa mukha at mabitawan nito ang labi niya. "Tatlong araw kang hindi nagparamdam sa akin, tapos ngayon bigla- bigla ka na lang manghahalik? Ang kapal ng mukha mo!" naiiyak niyang sambit. "Hindi ba't ayaw mo 'kong makita? Kaya lumayo muna ako," tugon nito. "Ang sabihin mo nakahanap ka na ng mas bata kaysa sa akin!" sambit niya at pinunasan ang luhang hindi na napigilan pang tumulo. "Baki

