"Pwede ba! Maghiwalay naman kayo kahit isang oras lang? O, kaya kahit isang minuto lang. Ang sakit niyo kaya sa mata!" Masungit na puna ni Mariel kina Irene at Dave nang makita niya itong naglalampungan na naman sa kanyang harapan. Para kasing nananadya na ang mga ito tuwing nasa harapan siya. "Bakit ba, ang sungit mo ngayon, Ate? May regla ka ba?" sa halip ay tanong sa kanya ni Irene saka ngumisi. Tinaliman niya ito ng tingin. "Tapos na!" singhal niya. "Tara na nga, babe. Sa kwarto na lang tayo.." yaya ni Irene kay Dave saka pumasok na rin sa kwarto ang mga ito. "Mabuti pa nga.." simangot niyang bulong habang sinusundan ito ng tingin. Ilang araw na siyang ganito magmula noong huli niyang makita si Third, nang aminin niya dito na siya nga 'yung babaeng nakaniig nito, noong nakaraan

