"Ano'ng nakakatawa?" Nakasimangot si Mariel nang tingnan niya si Third at tanungin ito. Nasa kubo sila ng mga sandaling iyon. Kanina niya pa kasi ito napapansin na panay ang ngiti sa kanya at halos ayaw na siya nitong bitawan sa kayayapos. Kahit panay ang kamot nito sa katawan dahil sa kalokohan nila kagabi kaya ang daming rashes nito ngayon. Mabuti na lang hindi maselan ang kanyang balat kaya hindi siya nagkakaroon ng rashes. Umiling ito pero nakangiti na naman sa kanya ng matamis. "Para kang baliw. Tuwang-tuwa ka pa talaga sa nangyari sa 'yo ngayon?" masungit niyang saad dito habang nilalagyan niya ito ng polbo sa likod para maibsan ang kati nito sa katawan. Humarap ito sa kanya at hinawi ang kanyang buhok. "Okay lang, nakatatlong rounds naman ako kagabi," nakangising tugon naman

