"When you are missing someone, time seems to move slower, and when I'm falling in love with someone, time seems to be moving faster." — Taylor Swift *** "Sinira ninyo ang date ko! Nagpaalam naman ako kay Mommy ah, bakit ninyo kailangang makialam?!" rinig kong sigaw ni Lian. Napailing akong napangiti. Parang ang hirap nga ng kalagayan niyang siya ang bunso at nag iisang babae sa pamilya. Masyadong protective ang mga kapatid niya lalo na si Sir Liam na nakita kong kinutsaba ang mga anak at nagplano kung papaano hindi matuloy ang date ni Lian. Naalala ko rin si Tatay noon na halos ayaw akong pasamahin sa mga kaibigan namin ni Noreen na lalake. Pagdating ko dito sa bahay nila at nadatnan ko na rin si Landon na ang akala ko ay hindi siya dadalaw sa mga magulang. "Hi!" gulat akong napalin

