"The best love is the kind that awakens the soul and makes us reach for more, that plants a fire in our hearts and brings peace to our minds and that's what you've given me." — Nicholas Sparks, "The Notebook" *** "Ano to?" Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na bagay sa leeg ko. Isang kwintas iyon na may pendant na kasama. "Take it Reece" aniyang ikinakabit iyon. "Landon..." ani kong ambang tanggal iyon ng ibinaba niya ang kamay kong yumakap mula sa aking likuran. "Please, take it" mahinang sambit nito. "Landon, alam mong ayaw ko ng ganito" giit ko. " Pasalubong naman iyan, nakita ko iyan sa isang shoppe doon, yung pendant bagay sa iyo" aniyang tukoy sa isang pulse design na heart pendant na may kasamang manipis din na chain. Humarap ako sa kanya. Inabot ko ang lock nun na kinalas mu

