Maaga ulit akong nagising at hindi ko alam kung bakit excited ako na pumunta sa trabaho. Bumangon na ako at niligpit ko ang aking piangtulugan. Ang tanging ilaw ko ay nagmumula sa recheargeable light na pinahiram sa akin ni antie. Pinatay ko ito at tumayo na. Nakatira ako sa kanilang bahay. Wala na siyang asawa at ang tanging kasama niya bukod sa akin ay ang kanyang lalakeng anak na limang taon na mas bata sa akin. Mabait naman sila sa akin at binigyan nila ako ng sariling kwarto. Sa basement nga lang pero okay na ito kaysa naman walang matirahan. Nag-inat ako at tumayo na. Kumuha ako ng ilang damit at ang maliit na basket na naglalaman ng aking essentials. Umakyat ako sa hagdan at dumiretso ako sa banyo para maligo. Nang lumakad ako paunta sa kusina, nadatnan ko na roon ang aking auntie

