“Huwag mong kalilimutan ang lahat ng binilin ko sa’yo.” sabi sa akin ng aking auntie nang inabot niya sa akin ang bag na naglalaman ng uniform ko as cleaning lady. “Huwag ka ng gumawa ng ibang bagay roon. Ang mga sinabi ko lang ang gawin mo. Huwag kang mag-alala at lagi namang wala sa bahay niya si Judge. Mag-ingat ka at tawagan mo ko pag may problema.” “Salamat po, manang. Pagbvubutihin ko po ang trabaho ko.” bahagya siyang ngumiti at tinapik niya ang aking balikat. Nagpaalam na ako sa kanya at lumakad na ako papunta sa paradahan ng jeep. Hinawakan ko ang cap na suot ko at nakayuko lang habang nakasakay na ako. Ito ang simula ng pagtatrabaho ko bilang cleaning lady sa ilang condo. Tumigil na kasi si auntie at ako ang ni-reccommend niyang kapalit sa kanilang agency. Agad naman akong ti

