Gusto kong sumigaw! Gusto kong pamgmumurahin ang mga taong nagdala sa akin rito. Pero hindi ko magawa dahil may duct tape na nakatakip sa aking bibig. Nakapwesto ako sa isang upuan, nakatali ang aking mga wrists at ankles kaya hindi rin ako makagalaw ng maayos. Kahapon pa ako nandito, sa isang madumi at madilim na kwarto na may maliit na bintana na nasa taas. Hindi ko alam kung bakit ako kinuha. Wala naman akong pinagkakautangan. Mas lalo namang wala akong ginawang masama sa isang tao. Hinang-hina na rin ako dahil hindi man lang ako binigyan ng tubig o pagkain. Isa pa, nananakit na rin ang aking katawan dahil ganito lang ang naging pwesto ko. Alam kong sugat-sugat na rin ang aking mga kamay dahil pinipilit kong kumawala. Napatitig ako sa pinto na nasa aking kaharapn. Tapos ay sa ilaw na

