( Enzo Multi Falco )
BANG! BANG!
Nang mamadali ang lahat ng tauhan ni Enzo na makaalis sa isang bodega, kung saan pinag usapan ng kanilang dealer. Kung saan sila magkikita ngunit hindi paman nagtatagal ang negotiation ng kani kanilang grupo ay isang malakas na megaphone ang bigla na lang namin narinig.
"Signor Alexander Romano, immagino non si aspettasse che un noto Drug Lord sarebbe stato catturato oggi.- ( Mister Alexander Romano, mukha yata na hindi mo inaasahan na ngayon araw na ito ay mahuhuli ang isang kilalang Drug Lord.)
Habang nakatingin ako sa mga police officer na nasa aking harapan ay dahan-dahan ko itinaas ang aking dalawang kamay, habang hawak-hawak ko naman sa aking kanang kamay. Ang isang Beretta 92FS Pistol 15RD 9MM.
"Officer, it looks like you are thinking wrongly about the scenario of what will happen today." Isang nakakainis na ngiti ang pinakita ko sa kanyang harapan, habang nakatingin ito sa akin.
"Signor Alessandro Romano, non sbaglio mai in quello che dico, soprattutto se quella persona è la persona che arresterò. ( Mister Alexander Romano kahit kailan ay hindi ako nagkakamali sa mga sinasabi ko, lalo na kung ang taong yun ay ang tao na huhulihin ko.
Habang tahimik ko pinang mamasdan ang police na nasa aking harapan ay hindi ko maiwasan na matuwa dito. Dahil kahit English na ang aking sinagot sa kanya ay kahit papaano ay nakakaintindi ito ng salitang banyaga.
"Metti giù la pistola che hai in mano. ( ibaba mo ang iyong baril na hawak mo.) Nang ipangutos nito na ibaba ko ang baril na aking hawak ay dahan-dahan ko ibinababa ang pistol na nasa aking kamay.
Ngunit bago ko pa tuluyan mababa ang aking baril ay agad ko pinaputukan ang mga ito. Kung kaya ang lahat ng aking tauhan ay ng kanya-kanya na ng putok ng baril.
Habang nagpapalitan parin ng putok ng baril ang aking mga tauhan ay mabilis kong tinignan ng magazine ng aking baril ng makita ko na tatlo na lang ang bala na nasa loob nito ay mabilis ko ikinabit ang magazine sa grip. Habang nasalikot ako ng dalawang magkapatong na kahoy ay dahan-dahan naman ako sumilip sa aking harapan upang makita ko. Kung may kalaban ba sa aking harapan.
Nang mapansin ko ang isang lalaki na nakatago rin sa hindi kalayuan sa aking pinang tataguan ay agad ko itinutok ang aking baril dito. Nang maayos ko itinutok ang front sight ng aking baril sa aking target ay agad ko kinalabit ang trigger ng baril.
Mabilis bumagsak ang aking target ng matamaan ito sa kanyang balikat, muli ko kinalabit ang trigger ng aking baril ng gumalaw ito. Isang tama muli malapit sa kanyang dibdib ang aking ginawa.
Nang hindi na ito gumalaw ay maingat ako lumabas sa aking kinatata-guan, at nagmamadali na ako lumabas sa budega kung nasaan kami ng aking mga kasama.
Habang patungo ako sa tarangkahan ng bodega ay isa-isa naman nag silabas ang aking mga kasamahan upang alalayan ako sa paglabas. Habang nakaalalay ang mga ito sa aking paglabas ay agad ko inaabot ang aking baril kay Harry.
"F**k! This negotiation is a big loss for us." Habang naglalakad kami ay patuloy pa rin ang palitan ng putong ng baril ang aking mga tauhan, habang naka paikot ang mga ito sa aking paligid.
"Alex, nasa tarangkahan na ang ibang mga kasamahan natin. Habang ang iba ay nakasuporta naman sa mga dadaanan ng ating sasakyan."
"Kung ganun magmadali ang lahat sa pag-alis sa lugar na ito. Magkita-kita nalang tayo sa mansion." Matapos kong sabihin yun kay Harry ay mabilis na binuksan ang sasakyan na nasa aking harapan ng makalabas kami sa loob ng bodega.
Habang papasok palang ako sa loob ng sasakyan ay isang bala ng baril ang bigla na lang tumama sa gulong ng aming sasakyan kung kaya isang malakas na putok ang aming narinig, ng dahil sa aking narinig ay mabilis ko inagapan ang aking ulo sa maaaring mangyari.
Nang dahil sa nangyari ay mabilis ko kinuha ang hawak na baril ni Harry at itinutuk ko ito sa lugar kung saan nanggaling ang putok ng baril.
Pagkalabit ko sa gatilyo ng baril ay mabilis na bumagsak ang lalaki na nasa itaas ng mga gulong kung saan ito ng paputok ng baril.
"F**k y** a******"
Nang makita ko na bumagsak na ang lalaki na bumaril sa akin ay mabilis ako pumasok sa isa pang sasakyan na dumating sa aming harapan.
Habang nagmamaneho naman si Rocco papunta sa paliparan ay agad naman nito ibinigay sa aking ang isang brown folder pagkita ko sa nakasulat dito ay agad ko ito kinuha at mabilis ko ito pinasahaan basahin.
Hindi ko maiwasan hindi mapa-iling ng nabasa ko ang nilalaman ng brown folder na ibinigay ni Rocco sa akin.
"What happened today is not bad anymore." Napapailig nalang ako ng maisip ko na malaking kawalan ang negotiation na nangyari ngayon.
Pero dahil sa brown folder na nasa aking kamay ay hindi ko maisip na a-ayon pa rin sa mga pinang usapan ang aming plano.
Ilang minuto rin ng nakarating kami sa private plane ng aking pamilya, mula sa Italia ay nagtungo ang aming eroplano sa Pilipinas upang sa gaganaping isang pamilya meeting.
Habang ang lahat ng aking mga tauhan ay nasa kani kanilang mga upuan ay isang baso ng rum ang bigla kong nakita na nasa aking harapan.
Pagtingin ko sa tao na may hawak ng alak ay mabilis nito itinaas ang alak na nasa isa pang itong kamay.
"It seems that you don't expect that this negotiation will still go according to our plan."
Kinuha ko ang rum na ibinibigay ni Rocco sakin at sabay na tumingin sa labas ng bintana ng eroplano na aming sinasakyan.
"I didn't think that what we talked about is still being resolved." Napapailig na lang ako dahil sa mga nangyari.
"So how is it that in the last year that your family disappeared in the philippines you can only now return."
"You know, Rocco, even if my family returned to the Philippines, nothing would change, not even a single memory I would remember from that country."
Ilang oras din ang hinintay naming lahat ng lumapag ang eroplano sa isang taxiway. Nang tuluyan ng makalanding ang eroplano ay isa-isa ng nagsilabasan ang iba ko pang tauhan upang alamin kung maayos ba ang lagay sa labas.
Nang walang problema ang pagdating namin sa pilipinas ay muli kaming sumakay patungong Casa Multi Falco. Nang nasa loob na kami ng Casa Multi Falco ay nagpatuloy lang ang aming sasakyan upang makarating sa minasa Mansion ng Casa Multi Falco.
Sa bawat dinaraanan namin ay may mga bahay rin sa paligid ng Casa Multi Falco, kung saan nakatira at panunuluyan ang ibang tauhan ng aking pamilya.
Nang makarating ang sasakyan sa harapan ng Casa Multi Falco ay agad na bumukas ang pinto ng sasakyan agad naman ako lumabas at nagtungo sa sala ng aming mansion.
Pagpasok ko pa lang sa loob ay mapapansin agad ang mga nakapila mga kasambahay ng aming mansion, sabay-sabay naman ang mga ito na yumuko upang magbigay galang maging ang ibang tauhan ni Dad ay yumuko upang magbigay galang sa aking harapan.
Nang makarating ako sa may sala ng aming mansion ay agad ko nabungaran si Dad at iba pang mga tauhan nito.
"Dad." Tawag ko sa kanya.
Agad naman ito lumingon sa aking gawi nang nasa harapan na ako nito ay mabilis naman yumuko ang mga tauhan ni Dad sa aking harapan at mabilis na ng paalam ang mga ito upang maiwan muna nila kami ni Dad.
"How is your transaction with Colombo? Tanong ni Dad sakin.
"I don't think it's bad, that things didn't go according to plan."
"Next time make sure you don't slouch. you can't make mistakes in every negotiation."
"Yes Dad." Walang reaction na sagot ko dito.
"Okay. Mauna na ako kailangan ko ayusin ang iba pang mga kailangan pang idedeliber." Nang makapag paalam si Dad ay mabilis nito tinapik ang aking balikat.
Nang makaalis si Dad ay agad ako ng tungo sa may kusina ng aming Mansion upang alamin kung sino ang pwede mautusan. Pagdating ko sa kusina ay isang babae ang aking napansin habang sinusuri ko ang babae na nasa saking harapan, ay agad ko napansin na hindi naman ito katandaan.
Masasabi ko na hindi nagkakalayo ang aming idad, dahil sa kanyang baby face na mukha. Bigla ako napaisip kung ang babae ba na nasa aking harapan ay kasing edad ko lang ba talaga.
"Hey! Malakas na pagkakasabi ko upang makakuha ng kanyang pansin.
Nang marinig ng babae ang aking boses ay agad ito napatingin sa aking gawi at nang makita ako nito ay mabilis na niyuko nito ang kanyang ulo.
"L-Lord a-ano po ang ipag uutos niyo? Tanong nito sa akin. Habang nasa kanyang boses ang pangamba.
"Bring me wine to my room." Nang sabihin ko yun ay mabilis na ako umalis sa harapan nito.
" Y-yes lord." Maski na nakaalis na ako sa harapan ng babae ay narinig ko parin ang huli nitong sinabi.