( Celine Francisco )
HINDI ko pa rin maiwasan hindi kabahan lalo na kung may isang Multi Fanco ang aking makakausap. Kung bakit ba naman ako ang maghahatid ng alak sa nakakatakot na lalaki na iyon.
Then his subconscious voice ruined everything. Ay gag* ka natural ikaw ang utusan ikaw ang katulog sa mansion na ito. Sino ang gusto mo utusan si nanay Lupe na nasa pamilihan.
Napailing na lang ako ng magsalita ang aking malanding isipan. Nang dahil doon ay pilit ko na binaliwala ang sinasabi ng aking utak.
Nagpatuloy ako sa paghahanap ng kwarto ng aking amo ng may isang kwarto sa dulo ng basilio na aking nilalakaran ng nakabukas.
Mabilis ako nagtungo sa nakabukas na pintuan, habang nasa harap na ako ng pinto ay isang boses ang aking narinig na parabang magbubukas ang siminto na aking kinatatayuan dahil sa nakakatakot na boses na aking narinig.
Tatalikod na sana ako ng isang malakas na kalabog ang bigla ko na lang narinig sa loob ng kwarto, kung kaya ang hawak ko na tray ay bigla ko na lang nabitawan ang lahat na nasa loob ng tray ay bigla na lang nabasag at nagkalat sa aking kinatatayuan. Kung kaya dahil sa aking narinig sa loob ng kwarto ay ganun na lang ang kaba at panalangin ko sa isipan na sana ay hindi marinig na nasa loob ang nilikha kong ingay.
Dahan-dahan ko pinulot ang mga nabasag na bote na nasa aking hirapan.
"Have you been there before? Bigla ako napatigil sa aking paglilinis ng muli ko nanaman narinig ang pinakamalalim na boses na nanggaling sa aking liguran.
Mabilis ako nakatayo at gumilid malapit sa pintuan kung saan hindi ako nakaharang sa nakabukas na pinto.
"A-ah hindi po." Mabilis kong sagot dito.
"Did you hear anything? Muli nitong tanong sa akin.
"Maliban po sa malakas na ingay na aking narinig kanina wala na po." Habag sinasabi ko ang mga bagay na iyon ay kitang kita ko sa seryoso mukha nito ang pagdududa sa aking mga sinabi, mula sa pagtingin nito sa aking mukha ay ibinaling nito ang kanyang mga mata sa mga basag na bote sa aking talampakan.
"After you clean it, clean the mess inside and bring me new wine." Mabilis ako umalis sa harapan nito at nag mamadali na makakuha ng gamit panlinis sa aking mga nabasag.
( Enzo Multi Fanco )
"DAMN!!
Malakas ko na bato ang aking cellphone sa pader ng matapos ako makatanggap ng isang tawag mula sa Italian na nagsasabi ng ilan sa mga bass na aking hinawakan ay nalusob na ng ibang pangkat.
Kung kaya lahat ng inis at galit sa aking katawan ay naibaling ko sa aking cellphone, kung kaya ng kasira-sira ito.
Isang tunog rin na nabasag ang aking narinig mula sa labas ng aking kwarto, kung kaya agad ako lumapit sa pinto at dahan-dahan ko binoksan ito.
Nang mabuksan ko ang pintuan ng aking kwarto agad ko napansin ang babae na aking inutusan kanina upang kumuha ng alak.
"Have you been there before? Tanong ko sa babae, habang nakatingin sakin ang kanyang mapungay na mga mata.
"A-ah hindi po." Sagot naman nito sakin.
"Did you hear anything? Muli kong tanong sa babae.
"Maliban po sa malakas na ingay na aking narinig kanina wala na po." Habang pinang mamasdam ko ito ay kitang-kita ko sa magandang mukha nito ang ka ba.
"After you clean it, clean the mess inside and bring me new wine." Matapos kong sabihin yun dito ay agad itong umalis sa aking harapan. Napailing na lang ako sa papalayong babae, habang nasa mga kilos nito ang pagmamadali.
Hindi ko maiwasan hindi titigan ang babae na nasa aking harapan, habang naglilinis ito ng mga gamit na aking binato sa kung saan parte ng aking kwarto.
"Are you just a new helper here at the mansion? Nang tanungin ko ito ay pansin ko sa bawat galaw ng babae na nasa aking harapan ay ang kakaibang ka ba sa kanyang katawan.
"O-opo bago lang ako sa mansion na ito." Sagot nito sa akin habang ang mga mata nito ay nasa kanyang nililinis.
"Remove the word opo when we talk, maybe we're just the same age." Nang sabihin ko yun dito ay napansin ko ang paghinto nito sa kanyang ginagawa ng sabihin ko yun dito.
"What's your name? Tanong ko dito. Mabilis naman tumingin ito sa akin ng itanong ko ang pangalan nito.
Habang seryoso akong nakatingin dito ay hindi ko maiwasan pagmasdan ang kagandahan na meron itong taglay. Ang simpleng mga galaw nito ay may kakaibang dating na hindi ko mawari.
"Ano yung tanong niyo Sir?
Bigla ako na tauhan ng magtanong ito sa akin.
"Nothing."
"May pag uutos pa ba kayo Sir?
"You can't leave now." Sagot ko naman dito. Habang papalabas ito sa pintuan ng aking kwarto ay hindi ko maiwasan suwayin ang aking sarili kung bakit naisipan ko itanong dito. Ang kanyang pangalan.
Nang mawala ito sa aking paningin ay agad ako ng tumayo sa aking pagkakaupo upang magtungo sa loob ng banyo upang makapag ayos ng aking sarili.
( Celine Francisco )
KINAKABAHAN na lumabas ako sa silid ni Sir Enzo, hindi mawala sa aking isip ang pagtatanong nito ng aking pangalan.
Habang iniisip ko pa rin ang mga nangyari ay kanina ay may narinig ako mga tao na ng uusap sa hindi kalayuhan. Kung nasaan ako nakatayo.
Dahan-dahan akong lumapit sa isang flowers vase kung saan malapit ito sa hagdan ng makarating ako dito ay may limang kalalakihan ang nakatayo sa dulo ng hagdan.
"Anong balita sa mga pinapagawa sa inyo ni Boss?" Tanong ng isang lalaki na may hawak na sigarilyo.
"Badtrip nagkaproblema sa ibang transaction sa Italian ang ibang mga tauhan ni Boss ay wala na." Habang tahimik ako nakikinig sa mga pinag uusapan ng mga ito ay isang lalaki ang bigla na lang lumitaw sa aking gilid.
"Anong ginagawa mo? Mabilis ko iniwas ang aking mga mata sa mga lalaki na nasa dulo ng hagdan upang tumingin sa lalaki na nasa aking harapan.
"A-ah. Sorry. Ano kasi may mga nakaharang sa dulo ng hagdan, kung kaya hindi ako makaraan." Tumingin ang lalaki sa dulo ng hagda upang tignan ang mga lalaki, nang makita nito ang mga kasamahan nito ay muli itong tumingin sa ako.
Bago pa man makapag salita ang lalaki na nasa aking harapan ay agad na ako nagpaalam upang umalis sa harapan nito.
Habang ng mamadali ako makaalis sa kanyang harapan ay isang boses ang aking narinig mula sa aking harapan. Pagtingin ko dito ay nakita ko si nanay lupe, nang mamadali ako makalapit sa kanyang harapan.
Nang nasa harapan na ako nito ay agad ko kinuha ang dala-dala nitong mga plastic.
"Nay lupe tulungan ko na po kayo." Habang kinukuha ko ang mga pinamili nito sa kanyang mga kamay ay kapansin-pansin naman ang pagtingin nito sakin.
"Saan ka ba nagpunta bata ka? Kanina pa kita tinatawag, pero walang Celine ang lumalabas sa loob ng mansion." Napayuko na lang ako dahil sa mga sinabi nito.
"Sorry nay may pinalinis lang sa akin si Sir Enzo. Kung kaya hindi ko po narinig na tinawag niyo ang aking pangalan."
"Ikaw talagang bata ka, o siya magtungo na tayo sa kusina para matulungan mo ako sa pag aayos ng mga pinamili ko."
Habang inaayos ko ang lahat ng mga pinamili ni nanay Lupe ay hindi ko maiwasan magtanong dito tungkol kay sir Enzo.
"Nay lupe. Pwede po ako magtanong sa inyo." Itinigil ko ang paglalagay ng gulat sa loob ng refrigerator at tumingin ako kay nanay Lupe.
Nang makatingin ako dito ay ganun na lang ang aking pagtataka, dahil titig na titig ito sa akin.
"Bakit po nay? May nasabi po ba akong mali?" Tanong ko kay nanay Lupe. Habang ang mga mata nito ay nasa akin pa rin nakatingin.
"Wala naman hija, nagtataka lang ako kung bakit na itanong mo si Enzo sakin?" Nang dahil sa sinabi ni nanay Lupe ay mabilis ako umiwas ng tingin sa kanya.
"A-ah wala naman po naitanong ko lang." Balik sagot ko kay nanay Lupe habang muli ko inayos ang mga dapat ko ilagay loob ng refrigerator.
"Ano bang gusto mong malaman kay Enzo. Hija? Mabilis ko ibinalik ang aking paningin kay nanay Lupe ng itanong nito yun sa akin.
"Gusto ko po sana malaman-" Bigla ako napatigil sa aking pagtatanong ng bigla na lang kumontra ang aking isipan.
Bakit kailangan mo pa malaman ang mga bagay na dapat hindi mo na kailangan malaman. Mabilis ko ipinaling ang aking ulo upang mawala ang mga tanong na nabuo sa aking isipan.
"Ah. Wala po pala nay lupe." Pag iiba ko ng sagot dito.
Matapos kong gawin ang mga pinang utas ni nanay Lupe ay agad ako nagtungo sa kwarto ng mga kasambahay kung saan din ang aking kwarto.
Pagpasok ko pa lang sa loob ng kwarto ay agad ko napansin si Erika na busy sa kanyang cellphone. Nang mapansin ako nito ay mabilis na itinago nito ang kanyang cellphone sa ilalim ng kanyang unan.
"C-Celine." Tawag nito sa aking pangalan. Habang nakatingin ako dito ay kitang kita ko sa ang pagiging kabado at ang kanyang mga tingin sa akin ay mala.
"May problema ka? Tanong ko dito.
"Wala naman. Bakit mo naman naitanong? Dahan-dahan ako lumapit sa harapan nitong kama at doon umupo ako. Upang magkaharap kaming dalawa.
"Naitanong ko lang naman mukha ka kasing kinakabahan? O baka mali lang ang nakikita ko sayo." Weka ko dito na halata sa mukha nito ang pagkakagulat ng sabihin ko yun sa kanya.
"Pasensya na nagulat lang ako sa pagpasok mo sa kwarto." Sagot nito sa akin.
"Okay. Sige pahinga muna ako tapos ba rin naman ang oras ng trabaho ko" nang sabaihin ko yun dito ay agad ako ng tungo sa loob ng banyo upang makapag linis ng aking sarili.
Habang nasa loob ng banyo si Celine ay hindi niya maiiwasan na hindi alalahanin ang itsura ng kanyang amo at ang pagtatanong nito sa kanyang pangalan.
Kung pagmasdan ito makikita ng iba na seryoso ito sa lahat ng oras. Maging ang simpleng pagsasalita nito ay makikita ang pagiging seryoso nito.
Pero ng kausapin niya ako kanina sa may kusina ibang iba ng kausapin niya ako sa loob ng kanyang kwarto. Parang hindi siya yung nakakatakot na amo ko. O baka mali lang ako sa aking nakita sa kanyang reaction o sa kanyang pinakita sa akin.
Ang lahat ng katanungan sa aking sarili ay mabilis ko isinawalangbahala at nagpatuloy ako sa paglilinis sa aking sarili. Habang nakababad ang buong katawan ko sa bathtub sa loob ng banyo ay pinang masdan ko ang kabuuan nito.
Sa buong buhay ko dito sa mansion ng mga Multi Fanco lang ako nakaranas na pati kwarto ng mga kasambahay ay meron din bathtub at isang malaking salamin sa pader at dalawang closet sa loob ng banyo.
Nang matapos ako makapag linis ng aking sarili ay agad ko hinanap si Erika sa loob ng kwarto ng wala ito sa silid ay ng tungo na ako sa sala at sa loob pa rin ng kwarto ng mga kasambahay.
Kung iisipin ay hindi lang simpleng kwarto ang tinutuluyan ng lahat ng kasambahay. Pagpasok pa lang sa loob ng kwarto ay bubungat sayo ang malawak na sala unang una mapapansin ang sala at isang bar counter sa kanan bahagi ng kwarto. Habang sa kaliwa naman ay may makikita dalawang pintuan na naghahati sa dalawang kwarto ang isa ay kusina at ang isa naman ay kwarto ng mga kasambahay. Habang ang bar counter naman ay may isang pinto sa gilid nito doon makikita ang isang malawak na library para sa mga kasambahay.
Nang hindi ko makita si Erika ay muli ako bumalik sa loob ng aking kwarto upang makapag pahinga na dahil ilang oras na lang at kailangan ko na muli magtrabaho.