( CELINE FRANCISCO )
Hindi maiwasan ni Celine na maging panatag sa lugar na kanyang pinagmamasdan. Isang sariwang hangin at maaliwalas na tanawin ang kanyang makikita mula sa kinatatayuan nito.
Habang masayang kumukuha ng mga larawan ang dalaga ay isang pares ng mata ang nakamasid sa kanya. Titig na titig ang binatang si Enzo sa kanya. Hindi namamalayan ng binata na makalapit na ito kay Celine at maging ito ay kumuha na rin ng larawan hindi nga lang mga tanawin ang kinukuhanan nito, kung hindi ang magandang mukha ng dalaga na nasa kanyang harapan na ngayon.
Ganun na lang ang pagkagulat ni Celine ng isang liwanag mula sa cellphone ang bigla na lang kumislap sa kanyang mata. Agad siya napapikit at napa takip sa mata.
Biglang naibaba ni Enzo ang kanyang cellphone ng magulat ang dalaga sa kanyang ginawa. Mabilis naman humingi ng paumanhin ang binata at agad rin nito itinigil ang pagkuha ng larawan. "Pasensya na, hindi ko gusto na magulat ka." Pahayag ni Enzo sa dalaga.
"Nagustuhan mo ba dito?" Wika ng binata kay Celine. Agad naman ibinalik ng dalaga ang kanyang mga mata sa tanawin na nasa kanyang harapan. "Oo. Maganda ang tagaytay, ito ang unang beses na napuntahan ko itong lugar na ito." Natutuwang wika ni Celine kay Enzo.
Seryong tinitigan ng binata si Celine at pinang mamasdan nito ang ganda ng dalaga, habang palubog ang araw. "C-Celine. Baka nagugutom Ka na." Tanong ng binata dito.
Napangiti si Celine sa tanong ni Enzo at muling ibinalik ng dalaga ang kanyang paningin dito. "Ang totoo nagugutom na ako, ang akala ko hindi mo ako pakakainin Sir." Natatawa na wika nito.
"Hindi mo ba pwede na alisin na ang Sir." Tanong ni Enzo kay Celine. Ang kaninang masayang mukha ng dalaga ay unti unti nabura dahil sa tanong ng binata sa kanya. "Alam mo naman sir na hindi pwede ang gusto mong mangyari, baka kung ano isipin ng mga tao. kung gagawin ko ang gusto mo. Ngayon pa nga lang na sinama mo ako dito ay panigurado na may nasabi na ang mga tao na nakakita sa atin."
Hinawakan ni Enzo ang kamay ng dalaga at dahan-dahan nito hinila si Celine, upang dalhin sa isa sa mga Kubo. Nang nakaupo na ang mga ito ay agad napansin ng dalaga ang mga nakahain na pagkain sa batong lamesa.
"Sir. Mukha yata napakaraming pagkain na ito. Hindi natin ito mauubos, masasayang lang." Wika ni Celine sa binata. "Pwede naman natin ipamigay ang iba sa mga bata o sa isang pamilya na makikita natin dito sa tagaytay." Sagot ni Enzo.
Hindi makapaniwala ang binata sa kanyang nakikita, matapos kumain ang dalaga. Halos kalahati na ang kanyang in order ang naupos nito. "A-ah..Baka gusto mo pa." Naiilang na tanong ng binata kay Celine.
"Mukhang busog na ako sa mga nakain ko." Wika ni Celine. Gustong matawa ni Enzo sa sinabi ng dalaga. Hindi pa sigurado ito, Kung busog nga ba ito o hindi pa. Hindi maiwasan mapatitig ni Celine kay Enzo ng mapansin nito ang pinipigilan ng binata ang pagtawa nito.
"Hindi mo kailangan maging seryoso araw araw Sir." Wika ni Celine sa binata. Mabilis naman muling napatingin si Enzo kay Celine na may seryosong anyo na sa kanyang mukha.
"Alam mo mas mabuti siguro na nagugutom ka, para hindi ka maging madaldal." Mapang asar ni Enzo sa dalaga.
Ganun na lang ang pag busangot ng dalaga sa harap ni Enzo ng biruin siya ng ganun. Matapos makakain ng dalawa ay napag pasayahan ng mga ito na maglakad lakad. Hindi parin maiwasan ni Celine ang kanyang sarili namamangha sa lugar, at ng dahil doon ay walang sabi sabi na lumingon siya sa binata na nasa kanyang tabi at kinausap ito. "Sir…Pwede niyo ba ako kuhanan ng picture, para naman may bago akong profile sa f*******: ko." Walang hiya na wika ng dalaga.
Nang dahil sa sinabi ng dalaga ay tuluyan ng napangiti si Enzo sa harapan nito. Bigla na lang napahinto si Celine ng makita nito ang maputing ngipin ng binata. "OH. MY. GOD. Alam mo mas gusto ko na makita kang laging nakangiti Sir, Hindi ka kasi mukhang nakakatakot sa paningin ko." Napailing na lang ang binata at dahan-dahan inaabot ang cellphone ni Celine na nasa kanyang harapan. Habang kinukuhanan ng binata ang dalaga ay isang putok ng baril ang bigla na lang nakapag patigil sa kanya, mabilis na lumapit ang binata kay Celine at hinila ito papalayo sa lugar na kanilang kinatatayuan.
"Ano yun? Bakit binabaril nila tayo?" Tanong ni Celine kay Enzo na ngayon ay hawak-hawak siya sa kanyang mga kamay. Hindi sinagot ng binata ang tanong ng dalaga sa kanya, mas inisip ni Enzo ang dalaga sa mga mangyayari sa kanila lalo na at alam ng binata kung gaano karami ang mga taong gustong pabagsakin ang kanyang pamilya nila. “Sir..!!!! Bigla napatingin si Enzo sa kanyang likod kung saan hawak-hawak nito sa kamay ang dalaga. Ganun na lang ang kanyang pagmumura ng makita nito na may pulang likido sa kanan braso ni Celine.
Mabilis na hinila ni Enzo si Celine sa isang iskinita, kung saan hindi sila makikita ng taong bumaril sa kanila. “F**k…!! F**k..!!” Patuloy na pagmumura ng binata ng makita nito na tinamaan ng bata si Celine.
“Sir.. Okay lang ako. Hindi nyo kailangan mataranda.” Wika ni Celine sa binata na nasa kanyang harapan. “Hindi ka okay. Namumutla na yung mukha mo.” Matapos sabihin ng binata yun ay napansin nito ang isang baril na nasa kamay ng binata. Hindi malaman ni Celine kung saan nakuha ni Enzo ang baril na nasa mga kamay nito ngayon. Nagtataka man ay hindi na lang muna inisip ng dalaga ang mga ganun bagay, at mas inisip muna nito ang kanyang sarili at ng maramdaman nito ang biglang pagkirot ng kanyang braso. Kung saan tumama ang bala sa kanyang katawan ay isang panginginig ang kanyang naramdaman.
( ENZO MULTI FALCO )
Gustong gusto makipag palitan ng putok nang baril si Enzo sa tao na nagpaputok sa kanila ng dalaga, Ngunit pag naiisip nito na baka matakot si Celine ay mas lalong gusto niyang ubusin ang bala ng kanyang baril sa taong nag baril sa dalaga. Habang maingat na tinititigan ni Enzo ang buong lugar, kung saan hinila nito ang dalaga upang sila ay makapag tago. Habang nasa ganun silang sitwasyon ay isang tawag ang bigla na lang natanggap nito. Agad kinuha ni Enzo ang kanyang cellphone at sinagot ito.
Nang marinig ng binata ang boses ng isa sa kanyang mga tao ay agad sinabi ng nasa kabilang linya ang mga posibilidad na pwede nilang daanan ng dalaga, upang makatakas sa taong bumabaril sa kanila.