Chapter 17

1039 Words
( ENZO MULTI FALCON ) Nagmamadaling umalis sa kanilang pinagtataguan sila Enzo at Celine ng masabi ang mga lugar na pwede nilang daanan. Habang tumatakbo ay isang sasakyan ang nilapitan ng binata at agad nitong binuksan iyon. Nang makasakay ang dalawa sa loob nito ay mabilis na pinaandar ng binata ang sasakyan. "Sir.. Kaninong sasakyan itong gagamitin natin?" Kinakabahan na tanong ng dalaga kay Enzo. Alam ni Celine na hindi ang sasakyan na kanilang gamit ang daladala ng binata kanina. "Sir..!?" Namumutla ng tawag ng dalaga kay Enzo. Agad na lumingon si Enzo kay Celine ng tinawag siya nito. Pagtingin ng binata sa dalaga ay ganun na lang ang pagbilis ng pagpapatakbo ng sasakyan nito. " Baby.. Hintay lang ipupunta kita sa hospital” Nag aalala na wika ng binata. Hindi nakasagot si Celine ng marinig nito ang itinuran ng binata sa kanya. Gustuhin man ng dalaga na kiligin sa sinabi nito ay mas tumitindi ang pananakit ng kanyang balikat. Muling nakarinig ng putok ng baril si Enzo, pagtingin nito sa side mirror ng sasakyan na kanilang gamit ay agad na napansin ng binata ang dalawang itim na sasakyan na sumusunod sa kanila. Habang pasilip silip ang binata sa likod ng kanilang sasakyan, Kung nasaan ang mga sumusunod sa kanila ay agad nitong napansin ang isang lalaki na inilabas nito ang kalahati ng katawan nito sa bintana at muling pinaputukan ang sasakyan na kanilang gamit. Mabilis na nagawang iniliko ni Enzo ang kanilang gamit na sasakyan, upang hindi sila matamaan ng bala. "Baby… Kaya mo bang iyoko ang iyong ulo, para hindi ka matamaan ng bala." Wika ni Enzo sa dalaga. Pilit sinunod ni Celine ang binata, upang maprotektahan na rin ang kanyang sarili sa mga bala na maaari na tumama sa kanila. Mula sa pag kakayuko ni Celine ay agad niya napansin na inilabas ni Enzo ang kalahati ng katawan nito at tinutok ang baril sa sasakyan na nasa likuran ng aming sasakyan. Mabilis na tinakpan ni Celine ang kanyang tenga ng marinig nito ang malakas na palitan ng mga putok ng bala. “F**k…” Napatingin si Enzo sa dalaga na nasa kanyang tabi ng matapos siyang makipag palitan ng putok. Ganun na lang ang kanyang inis ng makita nito ang dalaga na takot na takot. “Wala na bang humahabol sa atin?” Tanong ni Celine sa binata. “Wala ng humahabol sa atin.” Wika ni Enzo. Dahan-dahan inayos ni Celine ang kanyang pagkakaupo at seryong pinaka titigan ang binata na nasa kanyang tabi. “Saan tayo pupunta?” Muling tanong ni Celine. “Sa hospital para magamot yang tama ng baril sa balikat mo.” Napatango na lang ang dalaga sa mga sinabi ni Enzo sa kanya. Ilang minuto ang lumipas ng makarating sila Enzo at Celine sa hospital na pagmamay ari ng pamilya Multi Falco. Mabilis na lumabas ng sasakyan ang binata at nagtungo sa kung saan nakaupo ang dalaga. Pagtapat ni Enzo sa drive set ay agad nito binuksan ang pinto ng sasakyan at ganun na lang nito kabilis buhatin ang dalaga ng makita ni Enzo ang namumutlang mukha ng dalaga. “Magmadali kayo tawagin niyo si Doc. Adams.” Sigaw ni Enzo sa mga nurse na papalapit sa kanila ng dalaga. Habang inihiga ni Enzo ang dalaga sa isang Gatch bed na nasa hallway Ng hospital. Nang maihiga na ni Enzo si Celine ay mabilis na galaw naman ng mga nurse ang mga sumunod na napansin ng binata. Agad na hinila ng ilang nurse ang Gatch bed, Kung saan nakahiga ang dalaga at mabilis na pinasok ng mga ito si Celine sa Emergency room. Ilang minuto lang ang lumipas ng lumabas sa loob ng emergency room si Doctor, Adams. Nang mapansin ni Enzo ang Doctor ay agad na lumapit ito rito at agad na nagtanong kung kamusta ang dalaga. “Maayos na siya, hindi naman ganun kalalim ang naging tama ng bala sa kanyang balikat, ngayon kailangan lang muna niya magpahinga. Habang Hindi pa niya nararamdaman ang kirot ng kanyang balikat.” Agad naman tumango si Enzo sa lahat ng sinabi ng doctor. Nang makapag paalam na ito ay agad na rin nagtungo ang binata sa kwarto, kung saan dinala ng ilang nurse ang dalaga. Pagbukas ng binata ng pinto ay agad nitong napansin si Celine na nakatitig sa kisame ng kwarto ng mapansin nito na bumukas ang pinto at bigla na lang ito napatingin sa kanya. Mabilis na lumapit ang binata kay Celine at umupo sa gilid ng kama na hinihigaan nito. “Kamusta na pakiramdam mo?” Tanong ng binata kay Celine. “Ayos lang naman ako, kaso unti-unti ko ng nararamdaman ang pangingirot ng aking balikat.” Wika nito sa kanya. “Gusto mo ba na ipatawag ko si Doc Adams.” Tanong ni Enzo sa dalaga. Hindi pa man sumasagot si Celine sa kanyang tanong ay agad na tumayo siya, upang tawagin ng doctor. Ngunit bago pa man makalapit ang binata sa pinto ay agad na rin, pinigilan ng dalaga si Enzo. “Hindi na kailangan Sir, kaya ko pa naman ang kirot ng balikat ko.” Wika ng dalaga sa kanya. Agad na bumalik sa tabi ng dalaga si Enzo at pinakatitigan ito. ( CELINE FRANSISCO ) Hindi maiwasan ni Celine na hindi mailang sa binata na nasa kanyag tabi, titig na titig ito sa kanya at para bang may gusto itong sabihin at ng dahil sa mga tingin ni Enzo ay walang pag iisip na tinanong ng dalaga ito. “Sir. Ayos ka lang?” Naiilang man ang dalaga kay Enzo ay lakas loob niya itong tinanong. Mula sa upuan na nasa kanyang harapan ay agad tumayo ang binata at lumipat sa kama kung saan siya nakahiga. “Baby. Sorry. Alam ko na takot ka sa mga nangyari kanina.” Wika ni Enzo sa kanya, habang kinuha naman nito ang kanyang isang palad at marahan na hinaplos ito. Hindi malaman ni Celine sa kanyang sarili, kung tama ba ang kanyang nararamdaman para sa binata. Takot at walang kasiguraduhan ang kanyang nararamdaman para kay Enzo, lalo na sa mga pinapakita nito sa kanya. Ang mga simpleng pag hawak nito sa kanyang kamay at ang pag tawag nito ng baby ay nagbibigay ng kaba sa kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD