( CELINE FRANSISCO )
Hindi maiwasan ni Celine na tumingin mula sa pinto ng kwarto, kung saan iniwan siya ni Enzo ng umalis ito. Gustuhin man niya na umuwi na lang at sa bahay magpahinga ay hindi pumayag ang binata na agad lumabas ng hospital lalo na at walang sinasabi sa kanya na pwede na siyang lubas.
Napabuntong hininga na lang si Celine ng hindi niya napilit ang binata sa gusto niya na sa bahay na lang siya magpagaling.
Mula sa pinto kung saan siya nakatingin ay ibinaling nito ang kanyang paningin sa bintana ng kwarto. Nasa ganun siyang sitwasyon ng isang katok mula sa pinto ang kanyang narinig. Hindi tumingin si Celine sa pinto dahil alam ng dalaga na ang binata na si Enzo lang naman ang pumasok. “Hello..” Biglang nagtaka ang dalaga ng marinig ang boses ng taong kapapasok lang sa loob ng kwarto. Mabilis na napatingin ang dalaga sa gawi ng pinto. Kung saan nito narinig ang boses ng lalaki .
Pagtingin ni Celine sa pinto ay isang pamilyar na lalaki ang kanyang nakita. “Diba ikaw yung lalaki na minsan nagtanong sa akin.?” Wika ni Celine sa binata na nasa kanyang harapan. “ Ako nga yun.”
“Anong ginagawa mo dito.” Tanong ng dalaga sa lalaki na ngayon ay papalapit na sa kanyang kama. “Matthew. FBI.” Bigla na lang napa kunot ng noo ang dalaga ng ipakita ng lalaki ang kanyang wallet, kung saan naka dikit ang FBI badge nito. “Bakit mo naman pinapakita sa aking ang badge mo? Mukha yata na kailangan ko sagutin ang mga bagay na nais mo malaman mula sa akin.” Sagot ni Celine sa binata. “May gusto lang ako malaman mula sa pamilya Multi Falco, at alam ko na isa ka sa mga tao na nagtatrabaho sa kanila.” Titig na titig si Celine sa lalaki.
“Kung ganun, ano naman ang gusto mo malaman?” Tanong ng dalaga dito. Ganun na lang ang pagtango ni Matthew ng makuha nito ang kanyang gusto sa dalaga. “Anong nangyari sa braso mo.” Bigla na lang tumaas ang kilay ni Celine, dahil sa tanong ng lalaki sa kanya. “ Yan na ba ang importante na itatanong mo sa akin.” Wika ng dalaga.
Mula sa kanyang harapan ay agad na tumalikod ang binata at naglakad ito patungo sa isang upuan malapit sa kanya at hinila ito. Nang nakaupo na ang binata ay agad rin ito sumagot sa aking tanong. “Pwede rin naman na iyang tanong ko sayo ay kaugnay sa mga itatanong ko pa sayo.” Wika nito kay Celine.
“Wala lang itong na nasa braso ko.” Iwas na wika ni Celine. “Wala lang ba talaga? Mukhang hindi naman ganun ang aking nakikita. Kilala mo ba, kung sino ang bumaril sayo?” Pagpapatuloy ng binata.
“Basta-” Naputol ang sasabihin ng dalaga ng bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok sa loob si Enzo. Ganun na lang ang pagbabago ng aura nito ng makita ni Enzo ang lalaki na nasa aking harapan.
“May bisita ka pala.” Agad na bungad ng binata. “Kamusta, Mister Matthew. Mukha yata naliligaw ka sa teritoryo ng mga Multi Falco.” Hindi maintindihan ni Celine, kung bakit parang may alitan ang dalawang binata at ng dahil sa napansin ng dalaga ay agad na sumabat ito sa pag uusap ng dalawang lalaki. “Sir, Enzo. Mabuti at dumating na kayo.” Agad na rin lumapit ang binata sa harapan ni Celine. Ngunit imbes na maputol ang mga tingin ni Enzo kay Matthew ay hindi man lang nangyari yun. “Narito ako upang malaman ang nangyari sa kanya.” Wika ni Matthew kay Enzo. Habang itinuturo nito ang dalaga.
Pinakatitigan ni Celine ang dalawang lalaki na nasa kanyang harapan na ngayon ay pareho na nakatitig sa isat isa. “ Bilang isang alagad ng kapulisan ay kabilang sa trabaho ko ay ang mag imbestiga, siguro naman ay wala akong nilalabag sa aking tungkulin.” Nang marinig ni Celine ang winika ng binata ay ganun na lang ang kanyang kaba sa kanyang dibdib ng bigla na lang naging madilim ang aura sa loob ng silid na kanyang tinutuluyan.
“Ah…Sir. Enzo.” Tawag ni Celine sa binata at agad naman napatingin ang lalaki sa gawi niya, kung saan ay nakaupo siya sa may kama. “May problema ba? Oh may masakit ba sayo.” Natataranta na tanong ng binata kay Celine.
Habang nasa harapan ni Celine ang binata ay napansin nito si Matthew na ngayon ay papalabas na ng pinto. Hindi na pinansin ng dalaga ito at mabilis na ibinalik ng dalaga ang kanyang tingin kay Enzo ng tuluyan na nawalan sa kanyang paningin si Matthew. “At bakit mo pinaalis ang isang yun. Alam mo na hindi pa kami tapos mag usap ng lalaking yun.” Wika ni Enzo kay Celine ng malaman nito ang ginawa ng dalaga upang hindi na magkakaroon pa ng alitan ang dalawang lalaki.
“Anong sinasabi mo dyan Sir.?” Maang maangan ng dalaga kay Enzo na para talagang walang alam ito sa ginawa. “Nako Sir. Mas okay na iuwi mo na lang ako at sa bahay na lang ako magpapagaling ng aking sarili.”
Napabuntong hininga na lang ang nagawa ni Enzo sa harap ni Celine ng muling sabihin nito na uuwi na lamang ang dalaga. “ Baby…Alam mo naman na hindi pa pwede na lumabas ka ng hospital na ito.”
“Sir. Please, Wag mo akong tawaging baby. Mamaya may nakarinig pa sayo.” Seryoso na tinitigan ni Enzo ang dalaga dahil hindi maintindihan nito na hindi pa pwede ito makalabas. Ngunit dahil may katigasan nga ang dalaga ay kinuha ni Enzo ang kanyang cellphone upang tawagin ang doctor.
Habang hinihintay ng binata na sagutin ng doctor ang kanyang tawag ay pasimpleng tinitigan ni Enzo si Celine. Hindi makapaniwala ang binata sa kanyang ginagawa para sa babaeng kanyang kasama. Nang marinig na ni Enzo ang boses na nasa kabilang linya ay agad naputol ang pagkakatingin niya sa dalaga.
“Steven, I release Ms. Fransisco.” Habang nakikipag usap si Enzo sa kanyang cellphone ay napansin naman ito ng dalaga. Pasimpleng umiwas si Celine sa binata upang hindi ito mag isip na nakikinig siya sa mga pinag uusapan ng binata ngunit ang kanyang pagdinig naman ay kanyang pinatalas.
Nang matapos ang pag uusap ng binata sa kanyang kausap ay agad tinanong ni Celine si Enzo. “Makakauwi na ba tayo?” Tanong ng dalaga. “Kahit naman hindi pa pwede na ikaw ay lumabas ng hospital ay wala naman ako magagawa sa mga bagay na gusto mo. Kahit pa ipang bawal ko. Ngayon pa nga lang nakatayo Ka na sa inyong kama, kahit wala pa naman ako sinasabi sayo na maaari ka na makalabas ng hospital na ito.” Nakangit lang si Celine kay Enzo ng marinig nito ang lahat ng sinabi niyo sa kanya.
Alam ni Enzo na excited ang dalaga na makalabas sa hospital, kung kaya ng makita nito ang pagtayo ni Celine sa kama ay agad ito lumapit at inalalayan ito.