ENZO MULTI FALCON )
Patingin tingin si Enzo sa gawi ni Celine, kung saan nakaupo ito sa kanyang tabi sa loob ng sasakyan na kanilang gamit. Nang dahil sa simpleng tingin ng binata ay hindi maiiwasan ni Celine na kausapin si Enzo. “ Baka mabangga naman tayo sa kakatingin mo sa akin. Kung ako sayo mas mabuti na sa daan ka lang tumingin at hindi sa gawi ko. Sir.” Wika ni Celine sa binata.
Muling itinutok ng binata ang kanyang paningin sa kalsada. “Sir. Pwede ba ako magtanong sayo.” Tanong ni Celine kay Enzo.
Nang marinig ng binata ang boses ni Celine ay hindi ito tumugon sa tanong nito at mas minabutih na lang nito na hintayin ang susunod na itatanong ng dalaga sa kanya. “Sir. Alam ko na mas okay na hindi ako makialam sa problema na meron ang pamilya niyo. Pero pwede ko bang malaman, kung anong trabaho ang meron Ka?”
Mabilis na inihinto ng binata ang kanyang sasakyan at muling ibinalik nito, ang kanyang tingin kay Celine. “Bago ko sagutin ang tanong mo. Pwede ba tanungin muna kita.” Wika naman ni Enzo sa dalaga na seryosong nakatingin kay Celine.
“Ano naman ang itatanong mo?” Napapaisip na wika ni Celine sa binata. “Anong pinag usapan niyo ng police na iyon.” Tanong pabalik ng binata kay Celine.
“Grabe ka naman magsabi ng police dyan kay Sir. Matthew. Dapat may respeto tayo sa mga nakakataas lalo na at hindi lang siya isang police.” Nang marinig ni Enzo ang sinabi ni Celine patungkol sa police ay agad na nag iba ang kanyang aura at agad na umiwas ng tingin ito sa dalaga.
“Sir…?! Okay ka lang ba? “ Nang dahil sa inis ng binata ay muli nitong pinatakbo ang sasakyan at ng dahil doon ay hindi nito namamalayan ang pagbilis ng kanyang pagmamaneho sa sasakyan. “SIR…..!!!!” Muling napatingin si Enzo kay Celine ng marinig nito ang boses ng dalaga.
“Sir. Kalalabas ko lang ng hospital, pero mukhang gusto mo na naman ako bumalik doon.” Agad na nag dahan dahan ang binata sa kanyang pagmamaneho ng mapansin nito na mabilis nga ang kanyang pagpapatakbo ng sasakyan na kanilang gamit.
Gustuhin man ng binata na magalit kay Celine dahil sa pagtatanggol ng dalaga dito ay mas pinili na lang ni Enzo na manahimik at ng dahil doon ay hindi na nagawang magsalita ng binata dahil sa kanyang ginawang pagpapatakbo.
Nang makarating na ang dalawa sa Batangas ay agad na bumababa ang binata sa sasakyan at agad na lumapit kay Celine na ngayon ay nakalabas na rin ng sasakyan. “Dahan-dahan lang sa pag galaw.” Wika ni Enzo sa dalaga na ngayon ay kanyang inaalalayan sa paglalakad.
Habang papalapit ang dalawa sa kubo na tinutuluyan ng dalaga ay isang matandang babae ang agad na lumabas sa loob ng bahay. Nang makita ng dalaga si Manang lupe na papalapit sa kanila ay ganun na lang ang pagkagulat nito. “Jusko. Anong nangyari sayo Hija..?” Tanong ni Manang lupe sa dalaga.
“A-ah…Natamaan po ako ng ligaw na bala, pero ayos lang naman po ako manang Lupe. Malayo naman po ito sa bituka.” Pilosopong wika ng dalaga.
Hindi man gusto ni Celine na mag lihim sa matanda ay mas gugustuhin pa nito na maging panatag ang kalooban ni manang Lupe.“Lintik kang bata ka, ano bang sinasabi mo na malayo sa bituka, kita mo ba ang kalagayan mo. Sabihin mo nga sa akin, kailan pa naging bituka yang balikat mo.” Agad napayuko si Celine dahil sa itinuran ng matanda sa kanya. Gustuhin man ng dalaga na pagaanin ang kabang nakikita nito sa matanda ay mas mukhang lalo pa naging komplikado ang sitwasyon.
“Nay Lupe. Okay lang po talaga ako, kanina noong hindi nyo pa po ako hinampas malapit sa aking balikat.” Wika muli ng dalaga sa matanda na nasa kanilang harapan.
“Mas mabuti pa siguro ay ipasok na natin siya sa loob ng bahay manang Lupe.” Agad na nagsalita si Enzo, upang hindi na makapag tanong pa muli ang matanda. “Mabuti pa nga. hala pumasok na muna tayo sa loob ng bahay.” Habang inalalayan ni manang Lupe si Celine patungo sa loob ng bahay na tinutuluyan ng mga ito ay agad kinuha ni Enzo ang kanyang cellphone, upang tawagin si Rocco.
Nang sagutin ng nasa kabilang linya ang kanyang tawag ay agad na sinabi ng binata ang kanyang pinag uutos sa kanyang tauhan. “Rocco. Alamin mo, kung sinong family ang nagtangkang bumaril sa amin ni Celine. Gusto kong malaman bago mag umaga.” Nagtitimpi na wika ng binata.
Hindi hinayaan ni Enzo na makapag salita pa ang kanyang tauhan, kung kaya ay agad na nito pinutol ang kanyang tawag at agad na sumunod sa dalawang babae, patungo sa loob ng bahay. Ngunit bago pa man makapasok ito ay isang boses mula sa kanyang likod ang narinig.
“Sir..” Nang marinig ng binata ang boses ay dahan-dahan itong lumingo doon. “Kailangan na natin umalis.” Wika ng lalaki na nasa kanyang harapan.
Ang kaninang pagpasok ni Enzo sa loob ng bahay ay bigla na lang natigil dahil sa importante na dapat niyang gawain. Pinang mas ng binata si Celine ng makita nito ang dalaga na ngayon ay nakaupo na sa isang buhong sofa sa loob ng bahay at ng makita nito na maayos na ang dalaga ay agad siyang tumalikod upang umalis.
Hindi man gusto ni Enzo na umalis at iwan agad ang dalaga ay kailangan muna niya ayusin ang mga problema niya ngayon. Pinilit ni Enzo na lumabas sila ng dalaga kahit alam nito na kailangan niyang umalis ng bansa, upang alamin kung sino pang pamilya ang sangkot sa pag papabaksak sa kanilang angkan.
Sa kabilang banda ay nagtataka si Celine, kung bakit kanina pa sa labas ang binata at ng dahil doon ay dahan-dahan siyang tumayo sa kanyang inuupuan, upang puntahan sana ang binata, ngunit sa kanyang paglabas ng bahay ay ganun na lang ang kanyang pagtataka ng hindi na nito nakita si Enzo. Patingin tingin ito sa paligid ngunit walang Enzo na makita ang kanyang mga mata.
Napabuntong hininga na lang ang dalaga at muling bumalik ito sa loob ng bahay. “Oh..Bakit lumabas ka?” Tanong ni Manang lupe sa kanya ng mapansin nito na tumayo pa ang dalaga sa sofa. “Ah..wala po manang ng paalam na po kasi si Sir. Enzo, kaya ho napatayo ako.” Pagsisinungaling ni Celine sa matanda.
“Ganun ba o siya halika na ipinaghanda na kita ng makakain, ang akala ko pa naman ay dito na rin kakain ang binatang yun.”