Chapter 2

651 Words
Chapter 2 ♫ The Wedding IT was five years ago, Sena Amara could still remember the time when she was riding a provincial bus with her bestfriend, Kurt going to Manila. She had no idea on what her new life will give her. Sumama lamang siya sa kaibigan noon sa pagnanais na makahanap ng magandang trabaho.  Namatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Sumabog ang pagawaan ng troso na pag-aari ng pamilyang pinaglilingkuran ng kanyang mga magulang. Kasamang nasunog ang kanyang ama at ina. Wala silang naipundar maliban sa nakatapos siya ng high school. Walang kamag-anak na gustong kumupkop sa kanya. Magdadagdag pa nga ba sila ng isa pang palamunin? Sobrang hirap ng buhay sa kanilang probinsiya.  Sena Amara decided to travel and leave the place where she was born. Hindi naging madali ang lahat. Naging kasambahay, nagtinda, naglabada. But she's a natural singer. Bata pa lamang ay hilig na niyang kumanta. Kaya pinasok niya ang pagiging small time singer sa isang bar. Lahat ay tiniis niya upang mabuhay. At nakita ni Kurt ang lahat ng iyon.  Hanggang nakilala niya si Theo. She joined a gig for a sideline and bumped into him one day during their corporate business event. His light brown, hazel eyes not only penetrated her heart but also her soul. Niligawan siya nito at sinong hindi magkakagusto rito? She heard the ending from the melody of the love song they chose before the marching of the bride. Inayos niya ang suot na belo. Mahigpit na hinawakan ang kanyang bouquet at sa kabilang kamay ay isang mikropono. Tumugtog ang piano na siyang pinakahihintay bago nagtayuan ang lahat ng nasa loob ng katedral.  Bawat hakbang ni Sena ay natatapakan niya ang mga nagkalat na talulot ng dilaw na mga rosas. Ang kanyang mga mata ay nanatili sa dulo ng mahabang pulang carpet. Sa dulo kung saan nakatayo ang kanyang mapapangasawa.  Iniangat niya ang mikropono at itinapat sa kanyang bibig. She will sing for her groom their favourite love song. "Wise men say... only fools rush in..." Theo Tiangco's hazel eyes were directly looking at her. Ganoon ang tingin nito sa kanya noong una silang nagtagpo. Eyes filled with admiration. Now those eyes don't only show deep affection but love for her.  Maayos ang itim na itim nitong buhok. Nagniningning ang mga mata nito. Napakaguwapo ni Theo. May matangos na ilong, katamtamang sukat ng labi at matipunong pangangatawan. He's six feet in height. Kaya halos tingalain niya ito dahil five feet four inches lamang si Sena. Theo's black tuxedo gave him an authoritative look. But the yellow orchid on the left side pocket on his chest makes him adorable. Hindi siya makapaniwala na mapapasakanya na ang nilalang na ito. "But I can't help... falling in love with you..." Halos maluha ang mga saksi na naroroon sa madamdaming pag-awit ni Sena. Kung sana nakikita siya ngayon ng mga yumaong magulang. Sana ay masaya rin ang mga ito kagaya niya na nag-uumapaw sa kaligayahan. Namalayan na lamang ni Sena na kaharap na nila ang pari.  "I, Sena Amara Marquez, take you, Theo Tiangco, as my wedded husband and I promise you love, honor and respect..." Sena recited. Hindi naaalis ang kanyang tingin sa kaharap na lalaki. "To be faithful to you, and not to forsake you until death do us part. So help me God..." Theo promised. Mabilis nitong isinuot ang singsing sa daliri ni Sena na tanda ng kanilang pag-iisang dibdib. Nang gawaran ni Theo ng matamis na halik ang asawa ay tila nilipad na sila. Iyon na ang simula ng kanilang bagong buhay. They are not two separate individual anymore. They are one. "I love you, Sena," he said. Theo kissed her again. "Mahal na mahal kita, Theo," bulong ni Sena. Sa likod ng kanyang isip ay nanalangin siya. Na sana ay pangmatagalan na ang kanilang pagiging isa. Dahil hinding-hindi magbabago ang nararamdaman niya para kay Theo. Tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa kanila. Kahit tumanda pa siya at makalimutan ito, puso niya ang magpapaalala ng pag-ibig niya para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD