BOOK 1 - Chapter 1

683 Words
Chapter 1 - Sena Amara Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin pagkatapos ng mahabang biyaheng dinaanan ko. Pagkatapos ng unos sa buhay ko, hindi na ako sigurado kung may panibago pa akong buhay na kakaharapin.  I'm useless, helpless and loveless. My life has been a disaster eversince. If there is someone out there who will pick me up from the trash I've been for, I hope that someone will keep me. If not, I will stay clinging vine to vine. Until someone will pick me up again. Or until I lose my desire to live in this world filled with maze. "OH my freaking vajay! You are so beautiful, Sena Amara Marquez!" Halos sumigaw sa kanyang harapan si Kurt. Ang kanyang best friend na siyang napagsasabihan niya ng lahat ng nasa kanyang dibdib. Ang taong hindi siya iniwan for better or for worst. Even if her best friend is gay, she knew that Kurt will be there as always. Kahit pa ngayon na ikakasal na siya, alam niyang mananatili itong nagmamahal sa kanya. "Thanks Kurt Antonio." Her smile was brilliant that even her cheeks were glowing. "Huwag mo ngang ipagsigawan ang apelyido ko at naaalibadbaran ako." Matama siya nitong pinagmasdan. "O, bakit naman parang iiyak ka riyan? It's your wedding day, honey. You should be laughing out loud hanggang lumabas ang ngala-ngala mo!" Tumawa ito at niyakap siya. "Congrats Sena. You're soon to be married to a rich and handsome Tiangco." Gumanti siya rito ng yakap. This is what she was waiting for. Matagal niyang pinangarap na humarap sa dambana kasama ang kaisa-isang taong minahal niya at pag-aalayan ng sarili ng buong-buo.  Sena never had any relationship. She's twenty three and she only had one boyfriend. That person is Theo. Her dream. Her one true love. Simula nang makita niya ang mga mata nito, ang labi nito at kung paano siya nito ngitian, alam niya na ito na ang ibig niyang makasama sa habangbuhay.  "This is it, Kurt. I'm getting married." She smiled and the colour of her cheeks blushed more.  Iniharap siya ni Kurt sa salamin habang ito ay nakatayo sa kanyang likuran. "Look at you, Sena..."  They both looked at her reflection. Nakalugay ang kanyang umaalon at mahabang buhok. Ang tanging palamuti lamang ay mga kumikinang na mumunting diyamante at nakakalat iyon sa iba't-ibang bahagi. Sa gilid ng kanyang bilugang mga mata ay mga pinilakang bato katulad ng laylayan ng kanyang suot na trahe de boda. Mahahaba ang kanyang pilikmata at natural na mapula ang kanyang labi. Nakalitaw ang kanyang mapuputing balikat ngunit natatabingan ng silk, white gloves ang kanyang mga braso. "You're so beautiful my friend. And you're not going to be alone anymore. You've been dreaming for a man eversince our childhood. Heto na siya. Mahahawakan mo na siya. Although alam ko namang nahawakan mo na ang malaki, mahaba at matigas na—" Tinampal niya ang kamay nito upang huwag nang ituloy ang kahalayang sasabihin. "I'm a virgin, Kurt," she whispered.  Pinanlakihan siya ng mata ng kaibigan. "Oh my vajay, if only I have! Seriously?" Tumango siya at nahihiyang ngumiti. "I am. Hindi ako ginalaw ni Theo. He respects me and my body." "Ganoon siya ka-gentleman?" "Ganoon siya ka-gentleman." "Ang suwerte mo talagang, babae ka." Pinanggigilan siya nito sa pamamagitan ng yakap. "I'm really, really, really happy for you, Sena. Sana all..." "Thank you, Kurt. You are the best friend one should ever have." "Bueno..." Inayos nito ang suot na abuhing coat and tie. Kung titingnan ito ay hindi mahahalatang hindi ito tunay na lalaki. Guwapo, matangkad at mestiso. Ilang whitening cream at gluthatione rin ang nilaklak ng kaibigan niya upang ma-achieve ang kinis ng kutis nito. Pinagselosan na rin ito noon ni Theo. And yes. Women seduced him. Even if they already know his real identity.  "It's almost time. Tama na ang drama natin at baka masira pa ang make-up mo. Remember to throw your bouquet to me. Or else, sasabunutan talaga kitang bruha ka!"  Napangiti na lamang siya at tumayo mula sa kinauupuan. She heard the signal. It's time to meet her groom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD