Kinabukasan, maririnig ang malakas na kalampagan sa kusina ng maliit na karendirya ni Lola Josefa na sa ngayon ay pinamamahayan ng isang heartbroken na kaluluwa ng isang taong kakapagtanto lang na ang lalaking matagal na niyang kasama ay mahal naman pala niya. “LOLA!” Marahang humarap si Hana kay Jasmine dahil sa tono ng boses nito na tila may emergency. “Gising ka na pala,” walang buhay na sabi ni Hana. Pagharap ni Hana ay nalaglag ang panga ni Jasmine sa di inaasahang itsura niya. Mugto ang mga mata, mahamog ang salamin, puro dungis, tapos nagkasabit-sabit na ang samu’t-saring sangkap sa buhok. “Lola, anong ginawa mo?!” natatawang naiiyak na tanong ni Jasmine saka niyakap siya. “Malamang, pinagluluto ka nang makakain. Nanonood ako sa bulok mong cellphone pero dahil nga sa liit at

