"NAKITA niyo ba si Dean?" Nagpa-panic kong tanong sa mga nakakasalubong ko, pero ang lahat ay halos umiling. Nasa helera ako kung saan siya pumasok, puno ng kwarto sa gilid, parang condo na. Hindi naman nakakapagtaka dahil sabi kanina ni Travis sa sasakyan ay malaki ang naipon nilang pera, at ito ang na-rent-ahan nila para sa prom. Kasing laki ng dalawang mawala na bahay, isama pa ang kahabaan nito sa loob. Nang may nakasalubong akong hindi ko alam kung saan sila nanggaling ay agad ko silang hinarang. "Excuse me, sorry, nakita niyo ba si Dean?" "Ah, hindi, eh." Umiling ang isang babae. Tiningnan niya ang ksamang babae na ang kapal na ng make up nagre-retouch pa rin ng mukha. "Ikaw, Kristal, nakita mo ba si Dean?" Tumingin ako sa babaeng nasa tabi niya. Tumigil siya sa pag-make-up saka

