"OK na kaya ito?" Nakatingin ako sa salamin at tinitingnan ang gown na susuotin ko. Kulay black sa baba ang gown ko ngunit sa pag taas nito ay nagiging white na ang design at may design rin na gumagapang ang mga halaman. Mabuti na lang at alam ko kung anong mga dapat suot in sa prom. Binili ito sa akin ni Mom and Dad noong maggra-graduation na kami sa high school. Mabuti at malaki ang size na binili nila kaya kasya pa sa akin. Pag daw kasi magarbo ang pupuntahan kong event, 'eto raw dapat ang suotin ko. Well, I don't know kung magarbo nga ba ang prom mamaya dahil first time ko lang naman pupunta sa mga ganitong klaseng party. Pagkatapos kong suotin ang gown ay kinuha ko ang pangkulot sa buhok sa table ko. Sinalpak ko iyon bago tumingin sa salamin at umpisahang kulutin ang buhok. Na

