"TEXT na lang kayo para masunodo rin kayo sa harap." Bilin ko kina Renzo nang makalabas kami nang room. Parang dumaan lang ang pang-apat na araw sa amin, bumalik na kasi kami sa normal na day kung saan hindi kami nag-o-overtime para sa mga lesson. Alas-syete na ng gabi na nang mag-awasan kami. Katabi ko ngayon si Krisha na may kung anong nilalaro sa cellphone ni Renzo na kinuha niya kung kaya't nakasimngot lang si Renzo na nakatingin sa kaniya. "Saan nga ang kitaan?" tanong ni Melinda na nakatungo at busy rin sa pag-c-cellphone. "Kailangan kong mag paalam kay Papey." "Papey?" Sabay-sabay namin tanong kay Melinda at halos nakatingin kami sa kaniya. Tumingala siya at halos nakangangang isa-isa kaming tiningnan. "A-ano iyung nireto niyo sa akin sa bar dati." Nahihiya niyang iginilid

