TAHIMIK at halos kanina pa kami nakatingin at nakikinig lahat kay Krisha. "Tapos kailangan natin uminom ng isang baso kung gusto niyo malaman iyung tinanong sa natutunan ng bote." Pagpapaliwanag ulit ni Krisha. Sa larong gagawin namin ay kung sino ang matapatan ng bote na nasa lamesa, siya ang tatanungin nang kung sinong nag-ikot doon sa bote, nang isang katanungan at sasabihin niya ang sagot na pangalan lang namin. Sa amin lang iikot ang magiging sagot dahil nga sa group date ang tawag at para raw hindi Kj kung sino ba ang tinutukoy na sagot ng kung sinong matatapatan. Kung gusto mo rin malaman kung ano ang itinanong sa natapatan ng bote ay kailangan munang uminom bago sabihin ang tanong. Nakikita ko na ito sa mga Kdrama na napapanood ko. Hindi ko alam na uso rin pala dito iyon.

