"GUSTO ko na umuwi, Dean!" Bigat ng ulo ang nararamdaman ko at halos umiikot na rin ang patingin ko. Napasapo na lang ako sa noo bago mapasandal sa balikat ni Dean. Agad rin naman akong inakbayan ni Dean kahit na ramdam ko rin na lasing na siya. Kami na lang nila Krisha at Dean ang nasa table namin. Maagang umuwi sila Jasmine at ang iba ay nag-kanya-kaniya na. Halos anim na bote na ng whisky ang nainom ko at hindi ko na yata kaya pang maglakad dahil sa hilo. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman. "Lasing ka na ba, Max?" Rinig kong tanong ni Krisha. Tiningnan ko siya saglit na mukhang hidni pa naatamaan ng kalasingan. "Kailangan ko ng umuwi, Krisha. Hindi ko na kaya," bigla akong napangisi at balak na sanang kunin ang bote ko sa lamesa nang pigilan ni Dean ang kamay kong kunin ang bo

