"SAAN ka ba napunta Max kahapon?" May pag-aalalang tanong ni Krisha sa akin ng maka-upo ako sa upuan. "Bakit mo tinatanong?" May patataray kong tanong sa kanya habang hindi nakatingin. Kanina niya pa ako kinakausap pero nililimitahan ko rin ang aking sinasabi. Kung kagabi ay hindi ako naabutan ni Kuya at walang narinig na sermon, ngayon lahat ng iyon nanggagaling na kay Krisha. Inis ang nararamdaman ko sa kaniya dahil sa mga sinabi niya kahapon sa akin. Hindi ko alam kung magbabago pa ba iyon. "S-sorry, Max. Nagsasabi lang naman kasi ako ng totoo, about kay Dean-" "Kung 'yan na naman ang sasabihin mo, h'wag mo na lang siguro ng ituloy." Putol ko sa sinasabi niya saka inilabas ang libro at pinilit ang sariling umiwas kay Krisha. "Sorry na!" Natigilan ako sa pagbuklat ng libro n

