"NGAYON ang exam, guys! May 30 minutes pa tayo para mag-review." Rinig kong announce ni Renzo na nakatayo sa harap pagka-pasok ko pa lang ng room. Dire-diretso akong nagtungo sa upuan ko saka umupo. "Krisha," tawag ko kay Krisha nang makaupo ako pagkatapos ay nilabas ang libro. "Nariyan ka na pala, Max." Tumagilid si Krisha paharap sa akin habang nakatingin sa libro at kunot ang noo. "Alam mo ba kung anong sagot dito?" Inayos ko muna saglit ang mga gagamitin ko sa pag-review bago ako tumingin sa pinapakita niya. "Ahh, iyan. Kunin mo lang yung square root nang number na 'to," tinuro ko ang nasa libro, tumango-tango naman siya. "Tapos kunin mo rin iyung 6, makukuha mo na iyung sagot." Ngumiti ako sa kaniya. Buti na lang at napag-aralan ko iyon noon pa. "Sabi ko na! Salamat, Max."

