"EH, bakit nga naging Cali name mo, kung Dean Calvin pala ang totoong name mo?" tanong ko sa kaniya. Sabay kaming napatawa sa hindi naman malaman na dahilan. Hindi ko na rin maiwasang hindi matawa, dala na rin siguro ng kanina pa naming in ininom na alak. Ilang ulit ko na siyang tinatanong kung bakit Cali ang tawag ng karamihan sa kaniya. Kinuha niya ang panibagong bote ng alak na in-order namin kanina saka sinalinan ang baso niya, ubos na kasi namin agad ang nauna. "Sagutin mo na kasi ang tanong ko! Pangalan mo lang naman, hindi mo pa ma-explain." Muli akong napatawa saka kinuha sa kamay niya ang bote saka sinalinan ang baso ko. Ang saya niyang kasama kahit na hindi pa kami masyadong magkakilala. Gumaan ang loob ko sa kaniya kahit na minsan ay hindi ko siya maintindihan, parang Klie

