Chapter 13

2041 Words

"ILANG beses ka ba dapat sabihan, Max, ha?!" sigaw ni Kuya sa akin. Kahit sakit ng ulo ang nararamdaman ko, hindi iyon natalab lalo na't sa kwarto ko pa ako pinapagalitan ni kuya. Napayuko na lang ako. "Kanina pa kita tinatanong, hindi ka sasagot?!" Makailan niya pang sinasabi kanina. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya. Kanina ko pa kaya si nasagot tanong niya, ang kulit niya lang kasi. Napasapo na lang ako ng noo ko. "Hindi naman ako na paano sa bar na 'yon!" Tinatamad kong sabi. Gusto ko ng humiga. "Saka may kasama naman ako kanina-" "Tumigil ka sa kakasagot!" Pigil niya sa akin magsalita. Bumuntong hininga pa siya saka kalmado ng nakatingin na sa akin. "Anong bang nangyayari sa 'yo? Sino kasama mo kanina?" Tumingala ako sa kaniya nang tingin. Sasabihin ko ba?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD