NAGPAGULONG-GULONG ako sa kama dahil sa sobrang kasiyahan na malaman sabado na. Kinuha ko sa ilalim ng unan ko ang cellphone saka nag-chat kay Dean na ma-mamasyal kami. Susulitin ko na muna ang weekend na 'to para sa amin ni Dean kahit na may training pa ako sa Badminton. Pwedeng naman siguro ng mag-dahilan na week-end naman, at nagkataon pa na weekend pina-scheadule sa akin. "Sana pumayag siya." Niyakap ko ang cellphone ko nang makita kong nag-online agad siya at mabilis ring napatayo dahil sa sagot niya. Pa-bagsak akong humiga sa kama habang may ngiti sa labi ko saka siya tinawagan. "Babe," baritnong sagot agad ni Dean nang mabilis niyang sagutin ang tawag ko. Saglot kong nilayo ang cellphone ko sa tainga at nag-kunwaring umubo-ubo para ayusin rin ang boses, bago ibalik ang cel

