"MAX! Max! Max! Max!" Sunod-sunod kong nilagok ang nasa isang bote. Napangiwi ako dahil sa pait ng lasa. "U-ubos na!" Bulol kong sabi sabay inangat ang bote at hindi mapigilang mapatawa at nag-sasa-sayaw. Patuloy ang pag-sigaw at pag-sayaw nila Krisha at ng iba pa. Habang ako ay hindi naalis sa pagkakatayo sa lamesa na nasa gitna namin habang na-sayaw. Palakas nang palakas ang tugtog at enjoy na enjoy ko ang pag-sayaw, may pagkakataon pa na nililigyan nila Adie ang bote ko na hindi rin napupuno dahil sa pag-sayaw. "Hey, stop. Pwede ka ng bumaba, Max." Rinig kong utos ni Dean nang linguini ko siya sa likod ko ay tinawanan ko lang siya. Ibang saya ang nararamdaman ko ngayon... Pakiramdam ko ay malaya ako sa lahat. "Sayaw tayo, Cali!" Inabot ko ang kamay ni Dean at pilit siyang

