Chapter 61 Zari POV MATAPOS ang matagumpay naming kasal at ang isang araw sa dalampasigan, nagpasya na kaming umuwi. Nag paalam at nangangakong magkikita muli kapag may maluwang na oras. "Ingat kayo pauwi. Kita–kita ulit tayo," sigaw ko, at ngumiti sa lahat. Hindi ko maiwasang malungkot habang tinatanaw ang mga sasakyan na umaalis. Dahan–dahan naming nilagay si Andrie, na mahimbing na natutulog, sa likod ng sasakyan, katabi si Yaya Dolor. Ako naman ay naupo sa harap, at nagsimula nang bumiyahe pauwi. "Alam kong pagod ka? Magpahinga ka muna, gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa bahay," malumanay niyang sabi. Mahina akong tumango sa kanya at komportableng isinandal ang likuran sa sandalan ng upuan. Tahimik ang aming biyahe, tanging ang malumanay na tugtog mula sa rady

