Chapter 62—SPG—Matured Content Zari POV GINISING ako ng mainit na mga labing gumapang sa aking batok, papunta sa likod ng aking tenga. Napangiti ako, gusto kong malunod sa kaligayahang nararamdaman. Ang dalawang kamay nito'y sinapo ang aking dalawang dibdib, habang ang mga labi nito ay patuloy sa paggagawa ng apoy sa aking batok. Para akong dinuduyan sa nakakaliting sensasyon hatid ng kanyang mainit na labi. Napaungol ako sa init na gumuhit sa buo kong katawan, mula anit hanggang dulo ng mga daliri ko sa paa. Naidaop ko sa dibdib ni Josh ang mga palad ko habang nanatili pa rin akong nakapikit. Nang maramdamang hinuhubaran ako ni Josh, bahagya kong inarko ang aking katawan para mabilis niyang mahubad ang suot ko. Dahan–dahan akong nagmulat ng mga mata ko, nakangiting nakatunghay sa aki

