CHAPTER 01

1227 Words
KRISTOFFER'S POV "Hindi ka pa ba nakapag desisyon tungkol sa sinabi ko noong nakaraang buwan?" Agad na salubong sa'kin ni martin pagkalabas ko ng aking silid. Nilagpasan ko lang ito at dumiretsyo sa kusina para mag timpla ng kape. "May kakayahan ka, kris. Dapat ay pasukin mo Ang trabaho na iyon dahil nababagay ka doon. Wala kang mapapala kung lagi nalang ganito" Muling saad nito. Umupo ako sa silya at tahimik na sumisimsim ng kape habang siya naman ay tahimik lang na naka masid sa'kin. "Alam kong maganda ang kinikita mo bilang bouncer sa pribadong bahay paaliwan na iyon kris, pero nasasayangan ako sa kakayahan mo. At isa pa malaki ang pinapa sahod ng congressman. Magiging personal bodyguard ka lang naman iyong anak niya lang ang bantayan mo." Pangungimbinsi nito. Sandali kong tinitigan ang kape na ginawa ko at sa hindi inaasahan ay muling sumagi sa isipan ko ang babaeng nakat@lik ko isang taon na ang nakalipas. Pagkatapos nang gabing iyon ay hindi ko na kailanman nahagilap ang babaeng iyon. Lagi akong pumapasok sa bar kung saan ko siya nakita, umaasa na baka makita ko ulit siya, pero hindi iyon nangyari. At ang mas nakaka dismaya pa sa lahat ay hindi ko na gaanong matandaan ang kanyang mukha. Dahil sa kalasingan, at ang tanging naaalala ko lang ay mga ung*l niya, mga ingay na ginagawa niya na nakakapag pa b@liw sa'kin ng husto. "Nakikinig ka ba?" Malakas na usal ni martin kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko na napansin na nasa harapan ko na pala ito at matiim akong tinitingnan, animo'y tinatansya ang ekspresyon sa mukha ko. "Babae na naman iyang iniisip mo?" Mapanuksong tono na tanong nito. "Tigilan mo'ko, martin." malamig na saad ko. Tinawanan niya ako. " Iba ka talaga pre." Pang aasar niya sa'kin. Sinamaan ko lang ito ng tingin at agad na tumayo mula sa aking pagkaka upo at nag lakad papunta sa labas ng bahay. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin at ang liwanang na nang gagaling sa araw. "Kris, pag isipan mo ng mabuti iyong sinabi ko. Sayang din iyon." Saad nito. Mahina nitong tinapik ang aking balikat at bilang sagot ay tumango lang ako sa kanya at tinanaw siyang nag lalakad papalapit sa kanyang sasakyan. "Apo." Nakangiti kong nilingon ang matandang babae na tumawag sa'kin. "Magandang umaga po." Magalang na bati ko dito. Nang makita kong nahihirapan ito sa kanyang dalang basket ay dali-dali akong nag lakad papalapit sa kanya at kinuha ang bitbit nito. "Ngayon ko lang nakitang may dumalaw sayo." Magiliw na saad nito sa'kin. Inilahad ko ang aking palad sa kanya para alalayan siya at agad naman niya iyong tinanggap. At sabay kaming nag lakad papunta sa kanyang bahay. "Kaibigan po." Sagot ko. Isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa'kin hanggang sa dumating kami sa tapat ng bahay niya ay naka hawak pa rin ito sa'kin. "Dito ka muna at sabay na tayong mag almusal." Pa anyaya nito sa'kin. Hindi na din ako nag reklamo at inihatid sa kusina ang mga pinamili nito sa palengke. "Kayo lang mag-isa dito ngayon la?" Puno ng pagtatakang tanong ko. Napansin ko kasing walang ibang tao sa loob ng bahay. Ang alam ko kasi ay may apo itong babae, pero hindi ko siya makita dito ngayon. "Oo, sumama sa district meet iyong apo kong si gazelle." Mahinang sagot nito sa'kin. At sandaling katahimikan ang namutawi sa paligid, natuon ang aking atensyon sa Isang bakanteng sofa at agad naman akong umupo doon at sinuyod ng tingin ang buong paligid. "Wala kang trabaho ngayon?" Maya-mayang tanong nito. Mabilis naman ang ginawa kong pag lingon sa direksyon nito, naka talikod lang ito sa'kin at abala sa kanyang ginagawa sa loob ng kusina. "Mamayang gabi pa po." Tipid kong sagot. Nag lakad ito papalapit sa kina-uupuan ko at inilapag ang dala-dala nitong pinggan na may laman ng pagkain. "Pasensya kana, nilagyan ko na ng pagkain itong pinggan mo. Nasanay na kasi ako sa apo ko." Pag hingi nito ng paumanhin.. "Naku, wala pong problema sa akin la." Nakangiting sagot nito.. Sinenyasan niya ako na kumain na kaya agad ko naman iyong ginawa. Nang tuluyan ko ng maisubo ang kutsarang may lamang pagkain sa bibig ko at sandali akong tumahimik at nilasahan ito. "Kumusta ang lasa? Ayos lang ba?" Nag aalalang tanong nito. Sunod-sunod akong tumango para maipakita na nagustuhan ko ang pagkain. Panay subo lang ako habang ito naman ay tahimik akong pinapanood hanggang sa matapos ako ay nasa harapan ko lang ito at hindi inaalis ang tingin sa'kin. "Matanong ko lang apo, Hindi ba mahirap ang trabaho mo? Dahil sa iba't-ibang tao ang iyong nakaka salamuha. Natitiyak ko na iilan sa kanila ay hindi kaaya-aya ang pag uugali." Puno ng pag aalala Ang boses nito habang sinasabi iyon. Pinag krus ko ang magkabila Kong balikat at mas isinandal ang aking likuran sa sandalan ng sofa. Sandali akong tumahimik at nag isip kong paano sasagutin ang mga ka tanungan nito. "Mahirap, pero nasanay na ako la. Dalawang taon na din akong nag ta-trabaho doon, kaya memoryado ko na bawat ugali ng taong makakaharap ko." Kalmadong sagot ko. Ginawaran ako ng isang tipid na ngiti ng matanda na siyang nakapag patigil sa'kin sa aking ginagawa. Dahan-dahan kong inilapag ang hawak kong kubyertos at umayos ng upo. Walang alam ang matanda tungkol sa aking naging sa aking nakaraan at kung paano ako napadpad sa Lugar na iyon. Maliban kay martin ay wala nang ibang nakaka kilala sa'kin dahil gusto kong maging ganon. Masyadong madilim ang nakaraan ko kaya't minabuti kong huwag sabihin sa iba at para rin iyon sa ikaka tahimik ng buhay ko. "Bakit kasi hindi ka mamasukan bilang modela? Matangkad ka naman, gwapo ka din maging ang katawan mo ay maganda rin. Natitiyak ko na pag aagawan ko kapag sinubukan mong pasukin ang pagiging modela." Suhestyon nito. Agad akong natawa dahil sa sinabi nito. "La.. magugulo lang ang buhay ko kapag pinasok ko ang bagay na iyan. Mabuti na itong trabahong meron ako ngayon, dahil sakto naman na ang kinikita ko at tahimik din ang pamumuhay ko." Nakangiting sagot ko sa kanya. Umiling-iling lang ang matanda at sinenyasan akong kumain na ulit. Lumipas ang mahigit tatlongpung minuto ay napag desisyonan kong mag paalam na dahil mag hahanda pa ako para pumasok sa trabaho. Pagkatapos kong maligo ay agad ko nang inayos ang mga gamit ko. Makalipas ang ilang minutong pag aayos ay natapos din ako at agad na pinuntahan ang aking motorsiklo. Bago ko ito tuluyang napa andar ay narinig ko ang malakas na tunog ng aking cellphone kaya agad ko iyong kinuha. "Oh bakit?" Salubong na tanong ko kay Trois. Isa sa mga nag ta-trabaho sa bar kung saan ako namamasukan. "Papunta kana ba dito? Kanina ka pa hinahanap ng babae mo." Tumatawang saad nito sa kabilang linya. Napapikit ako sa inis na nararamdaman ko. D*mn this woman. Hindi talaga ako tinitigilan. "Sabihin mo sa kanya na hindi ako papasok ngayon at sa susunod na linggo pa ang balik ko." Malamig na sagot ko. Hindi sumagot si trois kaya ibinaba ko na ang linya. At pina andar ang motor ko at ilang segundo ay agad ko na iyong pinaharurut papunta sa trabaho. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD